16,614 total views
Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso.
Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa paglago ng bokasyon ng pagpapari.
“The call to the priesthood is not just a personal journey; it is a divine invitation that enriches the entire Church. We must actively encourage our young men to discern this sacred calling, reminding them of the profound joy and fulfillment that comes from serving God and His people,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.
Apela ng obispo ang pagtutulungan sa paghubog sa mga kabataang nais maglingkod bilang mga pastol ng simbahan lalo ang pagiging aktibong bahagi ng pamayanan sa mga gawain ng parokya na makatutulong sa discernment ng mga kabataan.
Batid ni Bishop Uy ang kakulangan ng mga paring magpapastol sa mahigit 80-milyong Pilipinong katoliko sa bansa kung saan sa kasalukuyang bilang ay nasa humigit kumulang 11, 000 o isang pari sa bawat pitong libong mananampalataya.
“As a Catholic bishop, I am deeply aware of the pressing need for more vocations to the priesthood in our Church. Our communities are yearning for shepherds who can guide them in faith, offer the sacraments, and nurture their spiritual growth,” ani Bishop Uy.
Sinabi ng obispo na mahalaga rin ang mga panalangin at paggabay sa mga kabataan upang mahubog ang kanilang bokasyon.
“Through prayer, mentorship, and community engagement, we can foster an environment where vocations flourish, inspiring our youth to respond to God’s call with courage and enthusiasm,” giit ni Bishop Uy.
Noong November 3 pormal na binuksan ang National Vocation Month sa Banal na Misang pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang kasalukuyang chairperson ng Episcopal Commission on Vocations ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ginanap sa Cathedral and Parish of the Good Shepherd sa Quezon City.
Matatandaang inaprubahan ng CBCP Permanent Council noong January 30, 2024 ang pagdeklarang national vocation month ang Nobyembre na layong isulong at palaguin ang bokasyon sa pagpapari, madre at buhay relihiyos sa bansa sa pamamagitan ng mga gawaing inihahanda ng iba’t ibang diyosesis at religious congregations.
Tema ng kauna-unahang National Vocation Month ang ‘Tara, Magmisyon kasama si Kristo: Journeying Together as Pilgrims of Hope, Called to Holiness towards the Jubilee Year.’
Sa datos na inilabas ng Vatican may kabuuang 407,730 ang mga pari sa buong mundo kung saan 279,171 ang diocesan priests habang 128,559 ang mga religious.