Bishop Mangalinao, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,264 total views

Nagpaabot ng panalangin at pakikiisa si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Veritas, inihayag ng obispo ang pakikiisa ng Simbahan sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, at mga nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa pagyanig.

Hiniling ni Bishop Mangalinao sa Diyos ang agarang paggaling ng mga nasugatan at pag-aliw sa mga nagdadalamhati, gayundin ang lakas ng loob para sa mga pamilyang patuloy na nangangamba matapos ang sakuna.

Ipinapanalangin din ng obispo ang mga rescuer, medical workers, volunteers, at mga lingkod-bayan na patuloy na nagsasagawa ng search, rescue, at relief operations sa mga apektadong lugar.

Sa gitna ng patuloy na pagyanig at takot ng mga residente, iginiit ni Bishop Mangalinao na ang Diyos ang sandigan at kanlungan ng mga nananatiling apektado ng trahedya, at umaasang manaig ang pagkakaisa at malasakit sa gitna ng krisis.

Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Sarangani noong Hunyo 8, na may epicenter sa baybayin ng lalawigan, habang ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) ay patuloy na nararanasan ang mga aftershock at posibleng magtagal pa sa mga susunod na araw.

Batay naman sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa humigit-kumulang 45 ang kumpirmadong nasawi, 487 ang nasugatan at 17 indibidwal ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

PANALANGIN PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

Ama naming mapagmahal at mahabagin,
Sa mga sandaling ito ng pangamba at pagdurusa dulot ng malakas na lindol sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao, lumalapit kami sa Iyo nang may buong pagtitiwala.

Yakapin Mo po ng Iyong pag-ibig ang lahat ng naapektuhan ng kalamidad. Pagalingin Mo ang mga nasugatan, aliwin ang mga nawalan ng mahal sa buhay, at bigyan ng lakas ng loob ang mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

Gabayan Mo ang mga rescuers, medical workers, volunteers, at lahat ng mga lingkod-bayan na nagsisikap maghatid ng tulong at pag-asa sa mga nangangailangan. Pagkalooban Mo sila ng kaligtasan, karunungan, at tibay ng loob sa kanilang misyon.

Panginoon, sa gitna ng mga pagyanig ng lupa at ng aming mga puso, ipaalala Mo sa amin na Ikaw ang aming matibay na kanlungan at tanggulan. Nawa’y manaig ang pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya upang sama-sama naming mapagtagumpayan ang pagsubok na ito.

Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Pag-asa, at sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 16,530 total views

 16,530 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 49,612 total views

 49,612 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 77,963 total views

 77,963 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 145,693 total views

 145,693 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 167,546 total views

 167,546 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top