Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Pabillo, COVID free na

SHARE THE TRUTH

 458 total views

August 2, 2020, 6:39PM

Nagpaabot ng pasasalamat si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling mula sa COVID-19.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, ganap na siyang COVID-19 free matapos mag-negatibo ang resulta ng kanyang ikalawang swab test ngayong linggo.

Lubos rin ang pasasalamat ng Obispo sa nadama niyang bisa ng panalangin ng bawat isa at sa awa ng Diyos na wala siyang anumang naramdamang sintomas ng sakit.

“Nagpapasalamat ako sa lahat na nagdasal sa akin. Naramdaman ko na mabisa ang inyong mga dasal.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Broderick Pabillo sa Radyo Veritas.

HInimok naman ng Obispo ang mga mananamapalataya na mag-alay ng panalangin para kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez Jr..

Paliwanag ni Bishop Pabillo, tulad ng pag-aalay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling ay marapat din isama sa pagdarasal si Bishop Iniguez na nagpositibo rin sa COVID-19.

“Ngayon isama natin sa ating dasal si Bishop Deogracias Iniquez na ngayon ay may sakit din.” Apela ni Bishop Broderick Pabillo.

Ayon sa Obispo, matapos na kanyang makompleto ang quarantine period ay muli na siyang makababalik sa kanyang mga normal na gawain kung saan nakatakda na ang kanyang muling pagsasagawa ng banal na misa sa Veritas Chapel sa susunod na Linggo, ika-9 ng Agosto.

“Next Sunday makakamisa na ako. Wala na akong virus pero tinatapos lang ang quarantine.” Ayon kay Bishop Broderick Pabillo.

Ika-23 ng Hulyo ng humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR.

Samantala, nauna ng umapela ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David para sa mabilis na paggaling ni Bishop Iniguez na nagpositibo rin sa COVID-19 at kasalukuyan ng naka-confine sa San Juan de Dios hospital.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 5,302 total views

 5,302 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 79,603 total views

 79,603 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 135,360 total views

 135,360 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 96,347 total views

 96,347 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 97,457 total views

 97,457 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 2,359 total views

 2,359 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 40,724 total views

 40,724 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567