Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired na AstraZeneca vaccines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total reads

Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo.

Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 million doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31.

Ayon kay Bishop Pabillo, nararapat lamang na bilisan na ng pamahalaan lalo’t higit ng DOH ang pamamahagi ng nasabing vaccine upang ito’y hindi na masayang pa.

Gayundin, dagdag ng Obipso na higit rin itong makatutulong sa mga Filipino upang magkaroon na ng kapanatagan at kaligtasan laban sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Kaya nga dapat mas maging systematic at mas maging mabilis ang pamamahagi ng mga AstraZeneca vaccines na ‘yan para hindi po ma-expired. Sa halip na makatulong na sa tao, masasayang pa kapag na-expired ‘yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nauna nang sinabi ng dating miyembro ng National Task force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na dapat nang humingi ng tulong ang pamahalaan sa mga pribadong sektor upang mapabilis na ang pamamahagi ng vaccines.

Paliwanag ni Leachon na masyadong mababa ang average rate ng vaccination sa Pilipinas na aabot lamang sa 30,000 hanggang 60,000 kada araw, pahiwatig na malabong maubos ang AstraZeneca vaccines bago magtapos ang Hunyo.

Mayroon namang inaayos na plano ang pamahalaan para agad na maipamahagi ang mga bakunang malapit nang mawalan ng bisa.

Ayon sa DOH, kanilang ipapamahagi ang nasa 1.5 milyon na bakuna na mag-eexpire sa susunod na buwan bilang unang dose, habang ang natitira naman na nasa 525,000 ay ipapamahagi bilang pangalawang dose ng mga nauna nang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine.

Batay sa huling ulat, umabot na sa higit 3-milyong Filipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19, na karamiha’y senior citizens, persons with comorbidities at mga health workers.

Inaasahan naman ng Pilipinas na mababakunahan ang nasa 70 milyong indibidwal ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na nakaapekto na sa higit 1-milyong Filipino.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 23,461 total reads

 23,461 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 44,342 total reads

 44,342 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 81,720 total reads

 81,720 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 112,988 total reads

 112,988 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 187,404 total reads

 187,404 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 279,428 total reads

 279,428 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,923 total reads

 74,923 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top