Biyaya at Pag-asa, hatid ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total reads

Inihayag ng opisyal ng education ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang pagsilang ni Hesus ay nagdulot at nagdala ng mga kaloob sa buhay ng tao na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay.

Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagdating ng manunubos ay nagbigay ng bagong pag-asa sa bawat mananampalataya.

Sinabi pa ng obispo lalo’t sa gitna ng pandemya ay marami ang nawalan ng pag-asa dahil sa kawalan ng hanapbuhay at kabuhayan.

“Ang pagdating ni Hesus ay nagbibigay ng maraming mga regalo na hindi matutumbasan kagaya ng regalo ng pag-asa, mas nagkakaisang pamilya, regalo ng katapangan para handang tumugon sa tawag ng paglilingkod ng Diyos,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Umaasa ang opisyal na hindi maging hadlang sa mananampalatataya ang pandemya upang tumugon sa panawagan ng Panginoon na maglingkod sa mga nangangailangan.

Inihalimbawa pa ni Bishop Mallari ang katapangan ng mga medical at service frontliners na patuloy naglilingkod sa mamamayan sa kabila ng matinding panganib sa sariling kalusugan ang idinudulot ng COVID-19.



“In a special way, I am delighted sa nakikita kong biyayang ipinagkakaloob ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng ating mga frontliners; yung courage nila to respond to the mission entrusted to them by the Lord,” dagdag pa ni Bishop Mallari.

Batay sa huling tala tinatayang humigit kumulang apat na libong medical frontliners ang nahawaan ng COVID-19 sa buong bansa kung saan karamihan dito ay gumaling mula sa virus at piniling ipagpatuloy ang pagtulong sa pagsugpo ng paglaganap ng virus.

Ipinagpasalamat din ng obispo ang pagiging matulungin ng mamamayan sa kabila ng kahirapan at apektado rin ng pandemya ay hindi nag-aatubiling tumulong sa kapwa.

Ito ay patunay na dumadaloy ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa na ibinabahagi naman sa nangangailangan sa lipunan paritkular sa sektor ng mga maralita.

“I am overwhelmed by the generosity of people even in the midst of pandemic na patuloy nagbibigay, lumilingap kahit apektado rin ng pandemya,” ani Bishop Mallari.

Hamon ng obispo sa mananampalataya na ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng kabutihan sa pamayanan at maging saksi sa kabutihang loob na dala ni Hesus sa kanyang pagsilang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 14,164 total reads

 14,164 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 49,787 total reads

 49,787 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 106,193 total reads

 106,193 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 229,176 total reads

 229,176 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top