Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“God is with us,”-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 407 total views

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus na bugtong na anak ng Diyos.

Paliwanag ng obispo, hindi na bago sa tao ang mga hamon ng buhay tulad ng kinaharap ng marami-ang negatibong epekto na dulot ng coronavirus pandemic.

Bukod pa rito ang patuloy na karahasan sa lipunan, tulad ng pagpaslang ng isang pulis sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac at ang patuloy na paghahanap ng lunas sa nakahahawang COVID-19 ay ilan sa mga suliraning kinakaharap ng kasalukuyang panahon.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na ang lahat ng ito ay malalampasan sa pagtitiwala sa habag at awa ng Panginoong Diyos na dala ni Hesukristong isinilang.

“But Christmas assures us: God is with us. God has become man in order to share our journey in this life,” bahagi ng Christmas message ni Bishop Pabillo.

Giit ng obispo nawa’y magsilbi itong inspirasyon ng bawat isa sa pagharap sa mga suliranin ng lipunan at magkaisang kumilos upang ito ay mapagtagumpayan.

Pinasalamatan din ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis ang mga pari at mga layko na nagkakaisa sa paghahanda sa pagsilang ni Hesus sa matagumpay na siyam na araw ng simbang gabi at misa de gallo sa panahoon ng ‘new normal’ ng lipunan.

Kinilala ni Bishop Pabillo ang mga programa ng bawat parokya tulad ng online masses, online recollection at iba pa na makatutulong sa pagpapalago ng pananampalataya gamit ang internet.

“All these manifests the faith and devotion of our people and their great longing to welcome the Lord Jesus with the Blessed Virgin Mary. May God be praised! We thank our parish priests and our media people for their indefatigable work during these days,” ani Bishop Pabillo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,859 total views

 34,859 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,989 total views

 45,989 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,350 total views

 71,350 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,721 total views

 81,721 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,572 total views

 102,572 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,314 total views

 6,314 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top