Mas makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko ngayon-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Binigyang diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makabuluhan ang pagdiriwang ng pasko ngayong taon sapagkat tulad ito noong panahong isinilang si Hesus.
Paliwanag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Pontificio Colegio Filipino ng CBCP, dahil sa corona virus pandemic, naibalik sa payak na pagdiriwang ang pasko ngayong taon taliwas sa nakaugaliang marangyang pagdiriwang.

“With this year Christmas, we are going back to first Christmas-solemn and sacred. As it was devoid of sensationalism and commercialism,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nagagalak ang obispo na ang buong pamayanan ay nakatuon sa pamilya at umaasang maging huwaran ang banal na pamilya nina Hesus, Maria at Jose.
Ayon naman kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, ng CBCP Clergy Ministry, dapat alalahanin ng mananampalataya na sa gitna ng mga pagsubok at unos na dulot ng krisis pangkalusugan ay hindi pinababayaan ng Panginoon ang sangkatauhan.

“Sa gitna ng hamong ito [ng COVID-19] ay nariyan ang Diyos naging tao upang gabayan tayo na huwag magpapadala sa tukso na maging makasarili, sa halip ay magkaisa upang sama-samang mapagtagumpayan ang kahirapang ito sa tulong at awa ng Diyos,” pahayag ni Bishop Famadico sa himpilan.

Dagdag pa ng opisyal ng clergy ministry na habang patuloy ang paghahanap ng lunas sa nakahahawang sakit ay pag-ibayuhin ng mamamayan ang pagdadamayan, pag-iingat at higit sa lahat ang pagbabahaginan sa higit nangangailangan.

Samantala sinabi ni Batanes Bishop Danilo Ulep na ang pagpapakatao ni Hesus at pakikipamuhay sa sanlibutan ay patunay na na hindi nito pinababayaan ang sangkatuhan lalo na sa panahon ng kahirapan.

“In the midst of challenges and trials that we are going through, may the loving and abiding presence of God inspire us always because He will certainly be there for us especially during the most difficult and trying moments in our lives,” saad ni Bishop Ulep.

Patuloy hinimok ng simbahan ang mananampalataya na ipagkatiwala sa Diyos ang anumang pagsubok na kinakaharap at buogn pusong tanggapin si Hesus na isinilang para sa kaligtasan ng sanlibutan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,440 total reads

 3,440 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 13,157 total reads

 13,157 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 54,253 total reads

 54,253 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 88,380 total reads

 88,380 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 144,786 total reads

 144,786 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top