Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdiriwang ng Pasko, hindi mahahadlangan ngvCOVID 19 at anumang kalamidad

SHARE THE TRUTH

 496 total views

Mayroon pa ring kagalakan ang Pasko ng pagsilang sa Panginoong Hesukristo sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ng buong mundo ngayong taon.

Ito ang mensahe ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa bawat isa para sa pagdiriwang ng Pasko na tuluy na tuloy pa rin sa kabila ng mga suliraning nagdulot ng iba’t ibang karanasan sa bawat isa.

Ayon sa Obispo, hindi mahahadlangan ng Coronavirus at anumang kalamidad ang pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang sa Panginoong Hesukristo na siyang Diyos na nagkatawang tao at ang dahilan ng pagmamahalan at pagdadamayan lalo na sa panahon ng pandemya.

“May galak pa rin ang pasko sa panahong ito ng pandemya. Hindi kayang pigilan ng coronavirus at anumang kalamidad ang pasko ng pagsilang ng Panginoon–ang Diyos na nagkatawang tao, ang dahilan ng ating pagmamahalan at pagdadamayan sa panahong ito,” ayon sa mensahe ni Bishop Evangelista.

Paalala naman ni Bishop Evangelista na dapat na ikintal sa isipan ng bawat mananampalataya ang kahalagahan ng tunay na kahulugan ng Pasko.

Ayon sa Obispo, huwag naman sanang isipin ng bawat isa na wala nang saysay ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon dahil lamang sa mga pagsubok na nagpahirap sa marami.

Pagbibigay-diin nito na kapag hinayaan natin na maging ganito ang ating saloobin ay sa mga materyal na bagay lamang natin itinutuon ang pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang sa Manunubos.

“Huwag na huwag ninyong maiisip na wala nang kwenta ang pasko. Wala nang dahilan ang pagbati ng Merry Christmas dahil sa mga sinapit natin sa taong ito. Huwag po. Pagka ganyan ang ating saloobin, ibig sabihin, ay sa mga materyal na bagay lamang nakatuon ang ating pagdiriwang ng Pasko,” ayon sa Obispo.

Paliwanag pa ng Obispo na dapat nating tandaan na bago pa man maranasan ng mga tao ang kasalatan at karukhaan, una na itong naranasan ng Panginoong Hesus noong siya’y isinilang ng Birheng Maria sa sabsaban.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,138 total views

 46,138 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,133 total views

 78,133 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,925 total views

 122,925 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,106 total views

 146,106 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,505 total views

 161,505 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 4,457 total views

 4,457 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top