Bring Toys Back To Life campaign, palalawakin ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Matagumpay ang pagtutulungan ng Caritas Manila – Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP at ng kompanyang ‘Toys R Us’ sa ginawang Bring Toys Back To Life campaign noong ika – 3 ng Agosto.

Ayon kay Ms. Helen Oreto, program head ng Caritas – YSLEP, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t-ibang sektor sa lipunan sa pagpapalakas ng programang pang edukasyon ng social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila sapagkat maraming kabataan ang matutulungan dito.

“Napakaimportante nito kasi itong ating YSLEP ngayon ay expanding throughout the Philippines,” pahayag ni Oreto sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Oreta na bukod sa mga lugar sa Metro Manila, may mga youth servant leaders din ang YSLEP sa mga lalawigan sa buong Pilipinas upang mai-angat sa karukhaan ang mga kapus-palad.

Aniya, sa ginawang pag-aaral ng Caritas Manila sa 3 hanggang 4 na milyong out-of-school youth sa bansa, karamihan ay matatagpuan sa malalayong kanayunan ng Pilipinas.

“Part of this proceeds will go to YSLEP and then ito ay ibebenta itong donation ng Toys R Us ay ibebenta thru Segunda Mana,” ani ni Oreta.

Dahil dito hinimok din ni Ms. Abel Tejam, Marketing Head ng Toys R Us ang mamamayan na mag-donate ng mga laruan na hindi na ginagamit ngunit mapakikinabangan pa upang makatulong sa adhikain ng Caritas Manila na pagpapaaral sa mga kabataan.

“We would like to invite everyone sa toy donation meron kaming mga dump bins where they can bring their toys in all Toys R Us stores nationwide,” pahayag ni Tejam sa Radio Veritas.

Ibinahagi pa ni Tejam na nang magsimula ang toy donation program ng kompanya noong unang araw ng Hulyo umabot na sa higit 800 mga laruan ang kanilang nalikom at patuloy itong nag-aanyaya dahil hanggang ika – 30 ng Nobyembre ay maaring magbigay ng mga laruan.

Sinabi pa ni Tejam na sa halos 5 taong pakikipagtulungan ng kompanya sa Caritas Manila, tiniyak nitong patuloy ang kanilang pagsuporta sa mga program ng social arm ng simbahan sa tulong na rin ng kanilang mga customers.

“Pasalamatan natin yung regular customers ng ‘Toys R Us’ for always patronizing our store and for sharing with us itong konting contribution ng donate a toy,” ani ni Tejam.

Ginanap ang pagtitipon noong Sabado sa Ayala Fairview Terraces  kung saan sama-sama ang mga bata at ilang youth servant leaders ng YSLEP sa pagkukumpuni ng ilang mga donasyong laruan bago ito ibinigay sa Caritas Segunda Mana.

Samantala, umapela ang program head ng Caritas YSLEP sa mga donors na patuloy suportahan ang scholarship program ng Caritas Manila.

Sa kasalukuyan may halos 5, 000 youth servant leaders ang tinutulungan ng Caritas YSLEP sa buong Pilipinas mula sa iba’t ibang komunidad at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,082 total reads

 33,082 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,122 total reads

 69,122 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,392 total reads

 295,392 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,859 total reads

 188,859 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,141 total reads

 281,141 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top