VeritasPH

The Word, The Truth

Simbahan, nababahala sa pagtaas ng “suicide cases” sa Bohol

SHARE THE TRUTH

 157 total views

Nababahala ang Diyosesis ng Tagbilaran sa pagtaas ng kaso ng suicide sa lalawigan ng Bohol.

Dahil dito nagpalabas ng liham Pastoral si Bishop Alberto Uy kung saan hinimok ang mga sektor sa lipunan na magkaisa at magtulungan sa paglutas ng suliranin.

Hinikayat ng Obispo ang mga pari maging ang munting pamayanan ng simbahang Katolika na ipadama sa mga pamilya ng nasawing biktima ng suicide ang kalinga at pagmamahal.

“I wish to manifest the profound union of the Church with the families of those who have taken their own lives. I am encouraging everyone under the leadership of our parish priests, to show his or her support by way of visiting the families, praying with and for them, and giving emotional and material support in order to lighten the burden that they are carrying.” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Uy.

Nanawagan si Bishop Uy sa buong pamayanan na pagtuunan ng pansin ang paglutas sa suicide at mga pamamaraang mapigilan ang isang tao sa pagpapakamatay.

“Because suicide is wrong, the believing community is enjoined to take steps to address it at its roots. I am calling on the leaders of the government, the schools and other sectors to come together and discuss the options that are viable and available to us,” ani ni Bishop Uy.

Magugunitang Hunyo 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mental Health Law na layong makapagbigay ng abot kaya at madaling pagtugon sa mental health ng mga Filipino.

Tinitiyak sa nasabing batas ang kapakanan at karapatan ng mamamayan na matugunan ang pangangailangang pangkaisipan sa tulong ng mga mental health professionals hanggang sa mga barangay sa buong Pilipinas at maisulong ang mental health education sa mga eskwelahan at iba’t ibang lugar na pinagtatrabahuan.

Umaasa rin ang Obispo na paigtingin sa mga eskwelahan sa bansa ang kampanya laban sa bullying na kadalasang sanhi ng depresyon ng kabataan at nauuwi sa suicide.

Iginiit ni Bishop Uy ang pagpapalakas sa guidance centers upang magabayan ang mga kabataan.

Binigyang diin ni Bishop Uy ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat magulang na subaybayan ang kanilang mga anak upang higit na maunawaan ang mga pinagdadaanan at mabigyan ng wastong paggabay nang may pagmamahal at buong pagkalinga.

“I am earnestly asking the parents to discuss among yourselves the current state of our children.” pahayag ng Obispo

Mula Hunyo, anim na kaso ng pagpapatiwakal ang naitala sa Bohol.

Sinasabi naman sa pag-aaral ng World Health Organization halos 800,000 ang suicide cases bawat taon o katumbas sa isang tao ang nagpapakamatay sa kada 40 segundo.

Balak ng dalawang diyosesis sa lalawigan na makapaglikha ng mga programa sa bawat parokya na makatutulong sa taong nakararanas ng depresyon.

“I would like to share my intent to begin a new apostolate in the diocese and in the parishes. This apostolate would take up the task of exploring and establishing programs designed to provide accompaniment to the depressed members of the community.” dagdag pahayag ni Bishop Uy

Iginiit ni Bishop Uy na handang ipakita ng Simbahan ang habag at awa ng Panginoon sa lahat ng mga namatay dahil sa suicide at patuloy na ipinanalangin ang kaluwalhatian at kapayapaan ng mga namayapang nagpatiwakal.

“I exhort the priests and lay faithful to grant full access to the rites and rituals befitting the baptized those who have died by suicide.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,740 total views

 11,740 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,785 total views

 19,785 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,865 total views

 24,865 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,572 total views

 30,572 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,360 total views

 39,360 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 2,490 total views

 2,490 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 2,498 total views

 2,498 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 3,050 total views

 3,050 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 3,082 total views

 3,082 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 4,126 total views

 4,126 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 4,269 total views

 4,269 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 4,276 total views

 4,276 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 4,580 total views

 4,580 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 6,959 total views

 6,959 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 7,475 total views

 7,475 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 8,190 total views

 8,190 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 11,028 total views

 11,028 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 12,812 total views

 12,812 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bagong Obispo ng Virac, sisikaping maging daluyan ng biyaya ng panginoon

 13,374 total views

 13,374 total views Tiniyak ng bagong obispo ng Diocese of Virac na gagampanin ang panibagong misyong kakaraharapin sa pagpapastol sa humigit kumulang 300-libong kawan sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Bishop Luisito Occiano hango sa kanyang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ sisikapin nitong itaguyod at palaguin ang pananampalataya ng nasasakupang kawan at ipadama ang habag

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

 13,449 total views

 13,449 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga. Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top