Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 55,413 total views

Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)?

Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa bicameral conference committee para sa 2025 pambansang budget? Kapanalig, napakabigat na paratang na “banditry” sa mga ating mga kagalang-galang na Congressman, Senador at maging sa pangulong Marcos.

Tinawag na budgetary banditry ang 2025 GAA dahil sa sinasabing “mockery of governance” kung saan malinaw ang pagkakaroon ng incompetence,corruption at kawalan ng accountability na laganap sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang 2025 General Appropriations Act scandal ay pagkakaroon o pagsingit ng mga blangko sa bicameral conference committee report na ipinasa kay Pangulong Marcos upang lagdaan at ganap na maging batas. Ang ginawa ng bicameral conference committee na binubuo ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay hindi lamang oversight o technical laspes kundi nakakahiya at lantarang “legislative malpractice” at otomatikong betrayal of public trust. Kapanalig, hindi naman daw iligal ang paglalagay ng blangko sa panukalang budget…. Pero ay sinadyang gawin o naka-disenyo upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga makakapangyarihan na namamahalala sa pamahalaan tulad ng pangulong Marcos, mga mambabatas na magkaroon ng hindi nasisilip o unchecked discretion sa bilyun-bilyong pisong pondo ng banya o kabang bayan.

Ang blangko sa bicameral conference committee report ay insulto sa ating mga nagbabayad ng buwis. Sa kabila ng lantarang panloloko…malakas pa ang loob ng ating mambabatas na singilin tayong mga Pilipino ng buwis!

Sinabi sa Corinthians 11:13-15 “For such men are false apostles, deceitful workmen, disguising themselves as apostles of Christ. And no wonder, for even Satan disguises himself as an angel of light. So it is no surprise if his servants, also, disguise themselves as servants of righteousness. Their end will correspond to their deeds”.

Nadagdagan pa ang insulto sa mga tax payers sa katwiran ni Representative Stella Quimbo na ang mga naka-singit na blangko sa bicam report ay para sa technical corrections” lamang.

Kapanalig, ito ba ang inaasahan natin sa mga sinasabing “stewards” o tagapangalaga sa 6.326-trilyong pisong national budget?

Ito po ba ay stratehiya ng mga corrupt upang makabuo o makagawa ng multi-trilyong pisong “slush fund”? a blank check for corruption?

Tayong mga ordinaryong mamamayan Kapanalig ang lubhang apektado sa kalokohang ito ng Kongreso na kinukunsente naman ng exucutive branch ng gobyerno…Sa lahat ng unos na likha ng corrupt na sistema ng pamahalaan sa Pilipinas., ang mga karaniwang mamamayan ang laging kawawa, ang pumapasan sa krus na likha ng mga tiwali at ganid na opisyal ng pamahalaan.

Ito ay maituturing na political culture na pinapayagan ang mediocrity at pansiriling interes ng iilan na lalong magkamal ng kayamanan..

“a state sponsored thief”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 28,783 total views

 28,783 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 42,843 total views

 42,843 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,414 total views

 61,414 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,069 total views

 86,069 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 28,784 total views

 28,784 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 42,844 total views

 42,844 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,415 total views

 61,415 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,070 total views

 86,070 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 72,310 total views

 72,310 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 96,008 total views

 96,008 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 104,720 total views

 104,720 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 108,351 total views

 108,351 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 110,907 total views

 110,907 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567