Buhay na buhay ang Simbahang Katolika – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Tiniyak ng Arsobispo ng Maynila ang patuloy na pagkilos ng Simbahan tungo sa pagbubuklod ng nasasakupang kawan.

Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, nagsusumikap ang Simbahan na pagbutihin ang paglilingkod sa pamayanan.

Batid ng Arsobispo ang mga suliraning kinakaharap ng simbahan tulad ng iba’t ibang krisis na kinasasangkutan ng ilang lingkod.

“Our people have narrated their experiences, and they have voiced their hurts and frustrations about sins, abuses, and failures in the Church, especially among us her ministers and leaders. It is indeed difficult and disturbing to come face-to-face with the reality of a wounded and imperfect Church. In the midst of these, it is sometimes very tempting to think that the Church is dying, if not dead,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ito ang pagninilay ng Kardinal sa unang araw ng National Synodal Consultations na ginaganap sa Carmelite Missionaries Center of Spirituality sa Tagaytay City na nilahukan ng 200 inidbidwal na kinabibilangan ng mga obispo, pari, relihiyoso at mga layko.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na nanatiling buhay ang simbahang katolika sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu na kasama sa paglalakbay kasabay ng pagsusumikap ng mga lider na isabuhay ang misyon ni Hesus.

“We did not fall into such temptation, because the Holy Spirit has also opened our eyes to see that the Church is alive! She may appear to be sleeping or having some difficulty waking up, but definitely, she is not dead. The Church is very much alive,” ani ng Cardinal.

Tinuran ni Cardinal Advincula ang buhay na pakikibahagi ng mga layko na naglingkod sa simbahan, nagbibigay suporta sa mga programa at higit sa lahat ang pakikilakbay ng mga kabataan, pamilya at mga dukha sa lipunan.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na manatiling manalig sa habag at awa ng Panginoon na mapagtagumpayan ang anumang uri ng karanasan sa lipunan at sama-samang maglakbay tungo sa kabutihan.

Layunin ng National Synodal Consultations ang paglalagom sa synthesis ng isinagawang konsultasyon sa mahigit tatlong libong parokya sa buong bansa para sa gagawing preparatory document na isusumite sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,100 total reads

 84,100 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,275 total reads

 118,275 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,575 total reads

 153,575 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,844 total reads

 379,844 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,785 total reads

 268,785 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top