Pamilyang Pilipino, sisirain ng diborsyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 781 total reads

Ikinalungkot ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang muling paghain ng panukalang diborsyo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nanindigan si Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Public Affairs Committee na lalong makasisira sa pundasyon ng pamilya ang diborsyo.

Ito ang tugon ng opisyal sa paghain ni Albay Representative Edcel Lagman sa House Bill No. 78 o “Absolute Divorce Act” sa paniniwalang ang diborsyo ay karapatan ng kababaihan.

“It’s unfortunate that some legislators would rather focus on breaking marriages than fixing them or strengthening marital bond,” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng pari na dapat pagtuunan ng mga mambabatas ang mga programang makatutugon sa tunay na suliranin ng bansa tulad ng kahirapang pinalala ng pandemya at iba’t ibang suliraning labis ang epekto sa ekonomiya.

Binigyan-diin ni Fr.Secillano na hindi makatarungang unahin ng mga opisyal na halal ng bayan ang mga batas na sumisira sa pamilya sa halip na pagbuklurin at tulungang makabangon sa kahirapang naranasan.

“To think that Filipinos are embroiled in much bigger problems, the likes of (Rep. Edcel) Lagman are busy advancing their irrational advocacies instead of legislating policies that will thumb down the negative impacts of unrelenting oil price increase, inflation, fare hike, unemployment and COVID-19,” giit ni Fr. Secillano.

Magugunitang sa 17th Congress isinulong din ang Absolute Divorce ngunit nabinbin sa Senado, muling isinulong ni Lagman sa 18th Congress subalit nanatili lamang sa Committee on Appropriations kung saan naitala ang huling deliberasyon ng House Technical Working Group noong Marso 2020.

Mariing tinututulan ng simbahan kasama ang pro-life groups ang panukalang diborsyo na kabilang sa DEATH Bills sapagkat labag ito sa kautusan ng Panginoon lalo na sa pagpapatibay sa pundasyon ng pamilya.

Naniniwala si Fr. Secillano na ang hakbang sa muling pagsusulong ng dibosryo ay pagsasantabi sa higit na pangangailangan ng mga Pilipino at pabor lamang sa ilang indibidwal na nagsusulong nito.

“The unreasonable penchant of these legislators to the divorce bill while we are reeling from economic devastation tells me that it’s no longer about helping Filipinos rise up from economic poverty but a matter of pride and subservience to whoever is behind this measure,” ayon pa ni Fr. Secillano.

Sa kasalukuyan bukod tanging sa Pilipinas at Vatican City lamang nanatiling iligal ang diborsyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 32,766 total reads

 32,766 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,038 total reads

 64,038 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 141,889 total reads

 141,889 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 236,118 total reads

 236,118 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 295,408 total reads

 295,408 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top