Go signal ng Korte Suprema sa pagpataw ng MERALCO ng generation cost sa mga consumer, ikinadismaya ng NASECORE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Ikinadismaya ng National Association of Electricity Consumer for Reform (NASECORE) ang pagkatig ng Korte Suprema na itaas ang singil sa kuryente sa National Capital Region (NCR) at karatig lalawigan.

Ayon kay Pete Ilagan – Pangulo ng NASECORE, karagdagang pasakit sa mamamayan sa N-C-R ang taas singil sa kuryente sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng hindi mapigilang pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo.

“Nakakalungkot talaga dahilan sa bigo tayo sa ating inaasahan na maitaguyod ang public interest, nakakalungkot na lumabas ang Supreme Court decision na ito sa kalagitnaan ng panahon na kung saan tumaas ang ating power rates, fuel prices, at ibang commodities, malaking karagdagang at kabigatan sa mga ordinaryong consumers, Nakakaawa,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Ilagan.

Iginiit ni Ilagan na hindi napapanahon ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC).

“We will meet with our volunteer lawyers to discuss preparation & filing of our Motion for Reconsideration,” ayon pa sa mensahe ni Ilagan.

2013 ng isulong ng Manila Electric Company (MERALCO) at maaprubahan ng ERC ang layuning masingil sa mga konsyumer ang 22.64-bilyong pisong generation costs sa pamamagitan ng dahan-dahang pagtataas ng presyo sa buwanang singil sa kuryente.

Ang sisingiling halaga ay bunsod ng mga naganap na pagtigil sa operasyon ng mga planta ng enerhiya na pinagkukuhaan ng suplay ng MERALCO noong 2013.

Unang hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na tugunan ang mga suliranin kinakaharap ng Pilipinas katulad ng patuloy na pag-taas na presyo ng mga produktong petrolyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,324 total reads

 45,324 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,178 total reads

 125,178 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,625 total reads

 158,625 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,923 total reads

 193,923 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,720 total reads

 418,720 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top