CADP, nanawagan ng hustisyang nakapaghihilom sa halip na parusang kamatayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,088 total reads

Nanawagan ang Coalition Against Death Penalty (CADP) ng katarungang nakapaghihilom sa halip na hustisyang kumikitil ng buhay.

Ito ang bahagi ng panawagan ng Coalition Against the Death Penalty President Comm. Karen S. Gomez-Dumpit sa paggunita sa World Day Against the Death Penalty nitong October 10, 2026 kasabay ng pagdiriwang sa kalayaan ni Mary Jane Veloso matapos ang mahigit 14 na taon sa death row sa Indonesia.

Para sa CADP, ang paggawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng absolute pardon kay Veloso noong Setyembre 25, 2026 ay sumasalamin sa tema ng 24th World Day Against the Death Penalty ngayong taon na “Stories for Life,” na nagbibigay-diin sa mga buhay at kuwento ng mga taong apektado ng death penalty.

“Mary Jane’s story for life is a cause for celebration and reflection. It shows that justice can heal when governments, advocates, and communities work together.” Bahagi ng pahayag ng CADP.

Kinilala rin ng CADP ang mga naging bahagi ng mahabang kampanya para kay Veloso, kabilang ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at Migrante, at binigyang-diin ang pangangailangang protektahan ang mga migranteng manggagawa at mga nakaligtas sa human trafficking.

“It calls on all to protect migrant workers and trafficking survivors and recognize them as victims, not criminals.” Dagdag pa ng CADP.

Bagama’t ipinagdiriwang ng grupo ang kalayaan ni Veloso, binigyang-diin nitong hindi pa nagtatapos ang laban para sa abolition ng death penalty.

“While today is a time to be thankful, CADP stresses that the fight continues for others still on death row.” Ayon sa CADP.

Ayon sa CADP, dapat gamitin ang mga aral mula sa kaso ni Veloso upang ipagpatuloy ang pagkilos hanggang sa wala nang buhay na malagay sa panganib ng execution.

“We move forward with the lessons from Mary Jane’s case, working together until no life is left at risk of execution.” Paliwanag ng CADP.

Nanawagan din ang grupo sa mga lider ng pamahalaan at komunidad na ipagpatuloy ang pagsusulong ng abolition ng death penalty at tiyaking hindi mawawala sa sentro ang dignidad at karapatan sa buhay ng bawat tao.

“Mary Jane Veloso’s freedom is more than a personal victory — it is a clarion call. Let us amplify stories for life that affirm dignity, resilience, and the right to life.” Dagdag pa ng CADP.

Sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty ngayong taon, muli ring iginiit ni Pope Leo XIV na hindi kailangan ang death penalty upang mapangalagaan ang common good at maisakatuparan ang katarungan, sapagkat ang parusang kamatayan ay sadyang hindi katanggap-tanggap dahil ito ay isang pag-atake sa di-malalabag na karapatan at dignidad ng isang indibidwal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 70,495 total reads

 70,495 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 210,504 total reads

 210,504 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 326,280 total reads

 326,280 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 444,225 total reads

 444,225 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top