Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, humihingi ng paumanhin sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 246 total views

Humingi ng paumanhin ang pinunong lingkod ng Arkidiyosesis ng Maynila sa mga kabataan hinggil sa masalimuot na lipunang ipinamamana ng mga nakatatanda.

Ayon kay Luis Antonio Cardinal Tagle, laganap sa lipunan ang iba’t-ibang uri ng kasamaan na maaring makalalason sa murang kaisipan ng mga kabataan.

“Humihingi ako ng kapatawaran kung ang mundo na aming ibinibigay sa inyo at ipinapamana ay toxic sa kabulaanan, toxic sa fake news, fake reporting coming only from fake hearts, dahil sa karahasan, bullying, dahil sa pananakot, dahil sa korapsyon, at dahil sa pagiging ganid,” mensahe ni Cardinal Tagle.

Bukod dito ay hiniling din ng Cardinal sa mga kabataan ang kapatawaran sa mga gabing tahimik subalit nababalot ng kasamaan dahil sa krimen, pananamantala at digmaang sumisira sa pamayanan.

Sinabi ng Kardinal na ang mga masasamang pangyayari sa lipunan ang dahilan ng pagkawala ng kabanalang hatid ng Panginoong Hesus sa sanlibutan sa gitna ng katahimikan ng kaniyang pagdating.

Iginiit ni Cardinal Tagle na hindi karapat-dapat ang mga kabataan tumanggap at magdusa sa mundong puno ng karahasan, kaguluhan at hindi pagkakasundo.

Dahil dito hinamon ni Cardinal Tagle ang mga kabataan na huwag hayaang mamayani at mananatili ang masalimuot at magulong lipunan kundi bilang bata ay gumawa ng hakbang upang malutas ang suliraning umiiral sa bayan.

“You, young people can make this world better for the Savior was a child.” ani ng Cardinal.

Ang pagninilay ni Cardinal Tagle sa Araw ng Pasko ay naaayon sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Taon ng mga Kabataan.

Hinihimok ang mga kabataan na maging aktibong kasapi ng Simbahan at maging tagapagpapalaganap ng Mabuting Balita sa sambayanan.

Ipinaalala ng Kardinal na sa kabila ng pagiging bata ni Hesus ay kinilala itong hari ng sanlibutan at hatid ng kaniyang pagdating ang pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 3,116 total views

 3,116 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 17,828 total views

 17,828 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 30,686 total views

 30,686 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 104,987 total views

 104,987 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 160,641 total views

 160,641 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

DAP Center ng SuGoD, pormal na bubuksan

 12,028 total views

 12,028 total views Ipagdiriwang ng Surrender to God (SuGoD) program ang ika-9 na anibersaryo nito sa darating na Agosto 14 sa pamamagitan ng isang misa ng

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567