Caritas Internationalis, inalis ang investment sa fossil fuels

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 617 total reads

Nakiisa ang Caritas Internationalis sa 35 mga katolikong institusyon sa buong mundo na nag-divest mula sa fossil fuels kasunod ng nakaraang pagdiriwang ng Earth Day.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Pangulo ng Caritas Internationalis, ang mga mahihirap ang pangunahing nagdurusa dahil sa epekto ng climate change na tumitindi dahil sa polusyong nagmumula sa paggamit ng mga fossil fuels.

Dahil dito sinabi ng Cardinal na bilang isang katolikong organisasyon na ang pangunahing mandato ay kalingain ang mga mahihirap ay napagpasyahan ng Caritas Internationalis na alisin na ang kanilang investments mula sa fossil fuels.

“The poor are suffering greatly from the climate crisis and fossil fuels are among the main drivers of this injustice. That is why Caritas Internationalis has decided not to invest in fossil fuels anymore.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa ganitong paraan, naniniwala si Cardinal Tagle, na natutugunan ng simbahan ang isa sa pangunahing mga ugat ng kahirapan sa buong mundo.

Labis naman ang naging pasasalamat ni Tomas Insua – Executive Director ng Global Catholic Climate Movement sa pagsuportang ito na nagmula sa Vatican.

Ayon kay Insua, walang mga sandaling dapat na masayang pagdating sa usapin ng pagprotekta sa daigdig na natatangi nating tahanan.

Dagdag pa niya ang pag-divest na ito ng mga institusyon ay nagpapakita lamang ng kongkretong aksyon sa pagmamahal na ipinamamalas ng simbahang katolika sa kalikasan.

“When it comes to protecting our common home, we have not a moment to lose.Divesting from fossil fuels puts love into action, bending the arc of emissions downward to protect our sisters and brothers around the world.” Bahagi ng pahayag ni Insua.

Dahil dito, hinimok rin ni Insua ang iba pang mga mananampalataya, institusyon at Catholic Organizations na ipamalas din ang kanilang pagmamahal sa sanilikha at isabuhay ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagprotekta sa lahat ng nilalang ng Panginoon.

Matatandaang noong 2017 ay 40 mga katolikong institusyon, at maging mga Diyosesis at Arkidiyosesis ang una nang nag-divest mula sa fossil fuels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,253 total reads

 54,253 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,749 total reads

 140,749 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,786 total reads

 183,786 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,545 total reads

 233,545 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,198 total reads

 392,198 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,204 total reads

 23,204 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,850 total reads

 52,850 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,694 total reads

 45,694 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top