Obispo, nahabag sa administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 668 total reads

Inanyayahan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga mananampalataya na tangkilikin ang aklat nitong “Priests, Servants of Communion” na ilulunsad mamayang alas sais ng gabi sa Bahay Pari San Carlos Formation Complex, Guadalupe Viejo, Makati City.

Pagbabahagi ng Obispo, ang aklat ay tumatalakay sa kahalagahan ng mga Pari sa pagbuo ng Simbahan at ng komunidad na kumakatawan dito.

Ito ay patungkol sa “Communion of Communities” o kaisahan ng mga komunidad at sa natatanging gampanin ng mga Pari, Relihiyoso at Relihiyosa ngayong “Year of the Clergy and the Religious”.

Dagdag pa ni Bishop Bacani, layunin ng aklat na ito na palawakin ang kaalaman ng mga mananampalataya sa pangunahing plano ng Panginoon na pagkakaroon ng “Universal Communion o ang kaisahan ng lahat ng bagay.

“Itong i-lau-launch na book ang title nya ay “Priests Servants of Communion” at ito ay tungkol sa unang-una sa plano ng Diyos na kung tawagin ay universal communion, ang kaisahan ng lahat sa Panginoon. Kaisahan ng lahat ng bagay, pakikiisa ng tao sa Diyos, pakikiisa ng tao sa isa’t-isa, pakikiisa ng tao sa mundong nilalang ng Diyos…” “Ito’y related sa Year of the Parish as Communion of Communities, at Year of the Clergy and Consecrated Persons. Yang dalawang yan, pinagsama ko sa isang maliit na aklat.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani Sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, hinihimok ng Obispo ang mga mananampalataya na tangkilikin ang aklat na mabibili sa mga St. Paul Bookstores, upang mapalalim ang kanilang pag-unawa sa plano ng Panginoon sa sangkatauhan at matulungan ang mga Pari at Consecrated Persons sa kanilang sinumpaang tungkulin sa Panginoon.

Samantala, naging halimbawa naman sa tinutukoy ng Obispo na pagbuo sa mga komunidad at pagiging kaisa ng lahat ng bagay ang ginagawang paglilingkod ng Misyonerong si Sr. Patricia Fox, NDS, sa mga katutubo at mga mahihirap na mga Filipino.

Sinabi ng Obispo na labis na nakalulungkot ang pagbawi ng Bureau of Immigration sa Missionary Visa ni Sr. Fox, na magiging dahilan upang tuluyan na nitong lisanin ang Pilipinas matapos ang 27 taong paglilingkod sa bansa.

“Ang ginagawa nya sinisikap nya na mangyari na wala sanang mapuwera, maisantabi o mabalewala na hindi makasali sa mga benepisyo ng mga iilan lamang dito sa ating lipunan. That’s part of the game para sa lahat ng mga misyonero, dahil nga sa kanilang pagtatanggol sa dangal ng tao, ay sila rin ay napagkakamalan na nakikialam sa Pulitika. E panong hindi ka naman makikialam kapag dangal ng tao ang naisasantabi lalo’t kung ito’y niyuyurakan at hindi binibigyan ng kaukulang paggalang” pahayag ni Bishop Bacani.

Dagdag pa ni Bishop Bacani, dahil sa hakbang na ito ng Bureau of Immigration ay nagmistulang kaawa-awa at kahabag-habag ang pamahalaan dahil tila labis nitong kinatatakutan ang matandang misyonerong babae.

“Isang madre yan na matanda, kung katatakutan ng gobyerno yan masyado namang nakakaawa itong gobyerno natin. Kahabag-habag naman itong gobyerno natin, kinatatakutan ang isang madre.” Pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,562 total reads

 48,562 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,063 total reads

 135,063 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,100 total reads

 178,100 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,859 total reads

 227,859 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,900 total reads

 386,900 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,104 total reads

 23,104 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,751 total reads

 52,751 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,595 total reads

 45,595 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top