Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mamamayan ng Ukraine

SHARE THE TRUTH

 4,941 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Caritas Manila sa social arm ng Simbahang Katolika sa Ukraine.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, malinaw na walang nagtatagumpay sa digmaan at tanging nagiging resulta nito ay kapahamakan at paghihirap para sa mga mamamayan ng hindi nagkakasundong lider ng mga bansa.

Ito ay matapos na maglabas ng video ang Caritas Internationalis kung saan inilahad ng kinatawan ng Caritas Ukraine ang sitwasyon sa kanilang bansa lalo na ng kanilang mga kababayan na apektado ng digmaan.

Naniniwala si Fr. Pascual sa kahalagahan ng mapayapang dayalago at hangarin ng pagkakasundo sapagkat walang nalulutas ang karahasan.
“Ang Caritas Manila ay kaisa ng Caritas Ukraine sa digmaan na nagaganap sa kanilang bansa sa kasalukuyan. Ang hindi pagkakaunawaan ay hindi nalulutas ng karahasan. Walang tagumpay sa tuwing may digmaan. Lahat ay talo, Diyalogo at pakikinig na may hangaring magkasund ang dapat pairalin.”pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas

Ika-24 ng Pebrero taong kasalukuyan ng magdeklara ng digmaan ang Russia laban sa Ukraine na nagresulta sa pagkawala ng maraming buhay at pagkasira ng mga establisyemento sa bansa.

Umaapela din ng panalangin si Fr. Pascual para sa mga apektado ng digmaan at maging sa mga nagsusumikap na gumawa ng humanitarian efforts sa kabila ng kaguluhan doon.

“Itigil na ang digmaan at mag-usap upang magkasundo, ipinagdasal natin ang bansang Ukraine [sapagkat] walang imposible sa Diyos.” Pahayag pa ni Fr. Pascual na siyang Pangulo din ng Radyo Veritas 846.

Unang nanawagan ang Santo Papa Francisco para sa kapayapaan at tigil putukan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nagkaisa na rin ang mga bansang kasapi ng United Nations sa panawagan ng Russian troops fullout sa Ukraine na ipinagkibit-balikat lamang ni Russian President Vladimir Putin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,441 total views

 6,441 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,541 total views

 14,541 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,508 total views

 32,508 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,867 total views

 61,867 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,444 total views

 82,444 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 21,526 total views

 21,526 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 39,837 total views

 39,837 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top