Caritas Philippines umaapela ng suporta at tulong sa Alay Kapwa Expanded campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,045 total reads

Umapela ng tulong at suporta ang social and development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na Caritas Philippines para sa higit pang pinalawig na misyon ng Alay Kapwa bilang pangunahing fund campaign ng Simbahang Katolika.

Sa programang Pastoral Visit On-Air ng Radio Veritas ay ibinahagi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National President ng Caritas Philippines ang higit na pagpapaigting sa programa ng Simbahan sa pamamagitan ng Alay Kapwa Expanded Campaign.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang patuloy na tulong at suporta ng bawat isa upang higit pang dumami ang matulungan ng Simbahan lalo’t higit ang mga nangangailangan sa lipunan.

“Sa ating mga kababayan at sa ating mga kaibigan kapanalig, sa ngalan po ng Caritas Philippines ay ako po ay nanawagan at humihingi ng inyong tulong sa pamamagitan ng ating Alay Kapwa na malaking tulong po ang konting maibigay ninyo marami tayong matutulungan.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ng Obispo, layunin ng Alay Kapwa Expanded Campaign na higit pang mapalawak ang pangunahing fund campaign ng Simbahan na Alay Kapwa na tuwinang isinasagawa tuwing panahon ng Kwaresma.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, nakapaloob sa Alay Kapwa Expanded Campaign ang pagsusulong ng programang Alay Kapwa sa buong taon at hindi tuwing panahon ng Kwaresma kung saan inaasahan din ang pagpapaigting ng programa sa pamamagitan ng digital world at social media.

“Alay Kapwa Expanded Campaign, mas pinalawak dati kasi naka focus lang ang Alay Kapwa natin on Palm Sunday Collection, parang naka focus sa Lenten Action Program noong panahon ng kwaresma ngayon expanded na, all year round na ang ating kampanya at hindi lang naka focus sa collection offering sa simbahan , second collection kung minsan. Ngayon gamitin na natin yung digital world. Online donation pwede na, saka we will use social media on our campaign.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Giit ng Obispo, ang pakikibahagi sa programa ng Simbahan na Alay Kapwa ay isang paraan ng pagpapamalas hindi lamang ng pagmamahal sa kapwa kundi maging ng pagmamahal sa Panginoong Diyos.

Ayon kay Bishop Bagaforo, “itong Alay Kapwa ay pagpapamalas ng ating pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa kung natatandaan ninyo iyan ang pinaka una at pinakamataas na utos na bigay utos at aral sa atin ng Panginoong Hesus. Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa walang iba kung hindi alay kapwa.”

Una ng inihayag ng Caritas Philippines na sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Alay Kapwa bilang pangunahing fund campaign ng Simbahan ay madaragdagan pa ang kapasidad ng institusyon na makapaghatid ng tulong at suporta sa mga higit na nangangailangan kung saan layunin nitong makapangalap ng isang milyong donors na mangangakong magbigay ng hindi bababa sa 500-piso bawat taon.

Nakapaloob sa Alay Kapwa Expanded Campaign na isinusulong ng Caritas Philippines ang pitong Alay Kapwa Legacy Program na Alay para sa Kabataan, Alay para sa Kabuhayan, Alay para sa Kalikasan, Alay para sa Kalusugan, Alay para sa Katarungan at Kapayapaan, Alay para sa Karunungan, at Alay para sa Katugunan sa Kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 23,480 total reads

 23,480 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 46,506 total reads

 46,506 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 83,006 total reads

 83,006 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 303,630 total reads

 303,630 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 336,936 total reads

 336,936 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top