Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, umaapela sa mamamayan na makiisa sa Alay Kapwa Sunday special collection

SHARE THE TRUTH

 7,544 total views

Kabayan mahal natin, tulong tayo!

Umaapela ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa sambayanang Filipino na makiisa sa nararanasang pagdurusa at tulungan ang mga sinalanta ng magkasunod na bagyo sa bansa.

Sa ipinadalang apela ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Radio Veritas, ipinaalala nito na higit na kailangan ang sama-samang pagtutulungan upang ganap na makabangon sa pagkakalugmok ang libu-libong Filipino na biktima ng pananalasa ng bagyong Quinta, Rolly, Siony at Ulysses.

“Calling all faithfuls to share your little treasure for our kababayang victims of the typhoons in particular”.panawagan ng Caritas Philippines

Kumakatok din ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga corporate at business institutions na buksan ang kanilang pintuan upang tulungan ang mga apektado ng kalamidad.

“We are knocking on the doors of our corporate and business institutions, kailangan po natin ang kanilang tulong”.apela ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines

Hinimok din ni Bishop Bagaforo ang lahat ng Diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa na magsagawa ng special collections bilang “Alay Kapwa Sunday” para sa mga biktima ng bagyo sa ika-15 ng Nobyembre 2020.

“November 15, special collections bilang Alay Kapwa Sunday sa lahat ng simbahan sa buong Pilipinas”.panawagan ni Bishop Bagaforo

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na sinisikap na matapos ng mga social action centers ng Simbaban sa mga apektadong lugar ang assessment sa pinsala ng bagyo at immediate na pangangailan ng mga apektadong mamamayan.
Inihayag din ng national director ng humanitarian, development at advocacy arm ng C-B-C-P na nakahanda na ang 1-milyong pisong pondo na ipadala sa mga apektadong diyosesis.

“Lahat po ng social actions in the dioceses affected by the typhoons are now assessing the damages and what are the urgent needs of our kababayan. Nassa is coordinating all our reliefs and rehabs efforts for these dioceses. Mahigit P1M po committed funds mula nassa at caritas manila handa ng ipadala sa mga severely affected dioceses.”pagtiyak ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas

Sa mga nais tumulong, maaring i-deposito ang donasyon sa Nassa/Caritas Philippines’ Alay Kapwa account.

Bank of the Philippine Islands
Account no. 4951 0071 08
Account name: CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.-NASSA

Dollar account for donations:
Metrobank, account number 632 2 632 00293 3
Account name CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.

Euro deposits:
Metrobank, account number 632 2 63260023 7
Account name CBCP Caritas Filipinas Foundation Inc.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,473 total views

 15,473 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 24,141 total views

 24,141 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,321 total views

 32,321 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,321 total views

 28,321 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,372 total views

 40,372 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 5,167 total views

 5,167 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 8,781 total views

 8,781 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 71,547 total views

 71,547 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top