Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Catholic Exorcists, nagpapasalamat sa suporta at panalangin kay Exorcist Priest Fr.Cabading

SHARE THE TRUTH

 4,101 total views

Nagpasalamat ang Philippine Association of Catholic Exorcists at Archdiocese of Manila Office of Exorcism sa lahat ng suporta at panalangin para kay Dominican Priest Exorcist Fr. Winston Cabading.
Ibinahagi ng grupo na na-reschedule sa August 1 ang pagdinig sa kaso ng pari sa halip na June 1 dahil sa Petition for Review ng Department of Justice bubnsod sa nakitang pagkukulang ng Assistant City Prosecutor ng Quezon City.
Naniniwala ang grupo ng exorcist na ang pagsampa ng kaso kay Fr. Cabading ay isang uri spiritual battle kaya’t hiniling nito sa mamamayan ang maigting na pananalangin upang manaig ang katotohanan.
We see this act against Fr. Winston [Cabading] as a spiritual battle and an attack on our mother, the Church itself and its hierarchy. We thank you for harkening to the call to be one with us in this battle by offering your prayers and acts of mortification,” bahagi ng pahayag ng grupo.
Matatandaang inireklamo ni dating Commission on Elections chief Harriet Demetriou si Fr. Cabading dahil sa paglabag sa Article 133 of the Revised Penal Code partikular ang Offending Religious Feelings bunsod ng pahayag ng pari sa ‘alleged’ Marian apparition sa Lipa Batangas noong 1948.
Dahil dito inaresto si Fr. Cabading noong May 13 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 81 Judge Madonna Echiverri.
Nauna nang pinabulaanan ni Fr. Cabading ang alegasyon ni Demetriou na kilalang deboto ng Our Lady of Mary Mediatrix of All Grace sa Lipa Batangas at nanindigang ipinahahayag lamang nito ang decree mula sa Congregation for the Doctrine of the Faith na hindi kinilala ang aparisyong nangyari sa Carmelite Convent.
Bunsod ng paglipat sa petsa ng pagdinig pinahintulutan ng korte si Fr. Cabading na bumiyahe s Estados Unidos para dalawin ang mga magulang at babalik ng bansa bago ang Agosto.
Gayunpaman dalangin ng mga exorcist sa bansa ang kaliwanagan ng isip ng mga nang-uusig at mabigyang linaw ang turo ng simbahang katolika.
Please pray for those who oppose us as well so that in time we may be one as the Father desires,” dagdag ng PACE at AMOE.
Sinabi ni Fr. Cabading na pinatatawad na nito ang mga nagsampa ng reklamo laban sa kanya at hinimok ang mananampalataya na basahin ang mga dokumento ng simbahan hinggil sa alleged Lipa Apparition para sa malinaw na discernment.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,009 total views

 10,009 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,109 total views

 18,109 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,076 total views

 36,076 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,395 total views

 65,395 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,972 total views

 85,972 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,515 total views

 3,515 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,123 total views

 9,123 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,278 total views

 14,278 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top