Catholic schools at mga parokya, inatasang makiisa sa “1-million children praying the rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,953 total views

Inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga parokya at catholic schools’ ng arkidiyosesis na makiisa sa taunang One million children praying the Rosary campaign na inisyatibo ng Aid to the Church in Need (ACN).

Ayon sa arosbispo magandang pagkakataon lalo na sa mga kabataan ang nasabing gawain bilang pakikiisa sa pananalangin para sa kapayapaan ng buong daigdig lalo na sa mga bansang nahaharap sa matinding pagsubok bunsod ng karahasan, digmaan at kahirapan.

“I enjoin all of you, especially our children in our parishes and Catholic schools, to actively participate in this international event of the ACN. I am particularly addressing our parishes and our Davao Association of Catholic Schools (DACS) to give vour kind attention to this concern,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Kasabay ng Kapistahan ni San Lucas, ebanghelista sa October 18 muling ilulunsad ng ACN ang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan.

Napiling tema ng ACN ngayong taon ang “Pray the Rosary and there will be peace” na isa sa mga kahilingan ng Mahal na Birhen ng magpakita sa tatlong bata sa Fatima Portugal.

Natatangi rin ang paggunita ngayong taon dahil makibahagi ang ACN sa “Symphony of Pravers” na inisyatibo ni Pope Francis sa pagdiriwang ng year of Prayer ngayong taon at paghahanda sa Jubilee year ng simbahan sa 2025.

Ngayong taon isasagawa ng ACN Philippines ang One Million Children Praying the Rosary na Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad sa Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica ng Diocese of Malolos sa alas nuwebe ng umaga.

Sa mga lalahok sa gawain maaring i-download ang prayer kits sa millionchildrenpraying.org. para magamit bilang gabay sa pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 13,596 total views

 13,596 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 41,947 total views

 41,947 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 109,677 total views

 109,677 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 132,828 total views

 132,828 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 202,062 total views

 202,062 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top