Catholic schools sa gobyerno: face to face class, gawing dahan-dahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total views

Nanawagan ang Catholic Educational Association of The Philippines (CEAP) sa pamahalaan na dahan-dahan ipatupad ang Limited Face-to-Face classes.

Ito ang mungkahi ni Jose Allan Arellano, executive director ng CEAP, kaisa ang Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA).

Ang pahayag ay kasunod ng pagsang-ayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahi ng Commission on Higher Education na pairalin ang 100% classroom seating capacity sa kolehiyo ng mga pamantasan at unibersidad na nasa Alert Level 1 areas para sa mga fully vaccinated na mag-aaral, guro at kawani ng paaralan.

Sa halip ayon sa CEAP at COCOPEA, dapat suriin muna ng Commission on Higher Education (CHED) at iayon ang panuntunan sa kahandaan ng mga paaralan katulad ng dahan-dahang pakikiisa ng mga kasaping paaralan ng CEAP sa face-to-face classes.

“We have been notified by the CHED on this. We are one with COCOPEA in some of our requests from the government: It should still be optional and according to the readiness of the school if they will allow more F2F classes. Some of our schools have been doing limited face to face for the medical and allied fields. We are gradually opening our schools to more students,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Arellano sa Radio Veritas.

Sinabi pa ni Arellano, mula sa mahigit 1,600 mga kasaping paaralan ng CEAP, mahigit isang-libo ang mga nasa Alert Level 1 Areas at minorya pa lamang mula sa bilang ang naging bahagi na ng limited face-to-face classes.

“We have been preparing our schools using the safeguards given by the IATF. We are in constant communication with the CHED and DepEd on this. We are being consulted naman. The real problem is the DepEd Regional offices who implement policies that are sometimes arbitrary and not the same with the central office,” ayon pa kay Arellano.

Hinihikayat rin ng CEAP ang mga magulang at legal guardians na makiisa at pabakunahan ang mga mag-aaral upang matagumpay na maidaos at maiwasan ang banta ng COVID-19 sa panunumbalik ng face to face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 54,483 total views

 54,483 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 84,706 total views

 84,706 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 111,357 total views

 111,357 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 206,330 total views

 206,330 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 223,876 total views

 223,876 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top