CBCP-ECMI, nakikiisa sa mga OFW na naiipit sa digmaan sa Middle East at Iran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total views

Tiniyak ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang suporta sa mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya sa Pilipinas na apektado ng pag-iral ng sigalot sa Middle East at Iran.

Ayon sa Obispo, batid ng simbahan ang pangamba sa puso ng mga OFW at pamilya na kanilang naiwan sa Pilipinas kaya mahalaga ang paggabay ngayon sa kanilang mga puso at pananampalataya.

“The ongoing situation in the Middle East is an immense tragedy that brings about significant suffering and loss of life. Although our country is not directly engaged in the conflict, our brave Overseas Filipino Workers (OFWs) in various parts of the region are profoundly impacted. Many of them face increased risks, uncertainty, and anxiety while being separated from their families back home. Our thoughts and prayers go out to them, their families who remain behind, and all those affected by this violence,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas.

Tiniyak ng Obispo ang pananalangin para sa kabutihan maging ng mga mamamayan na apektado sa pag-iral ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga bansa.

Gayundin ang pananalangin sa Panginoong Hesukristo at Mahal na Birheng Maria upang kagyat na umiral ang kapayapaan at hindi na lumala pa ang krisis na nararanasan.

“In these challenging times, we look to Jesus, the Prince of Peace, who taught us: “Blessed are the peacemakers” (Mt 5:9). Let us come together in earnest prayer for a quick resolution, seeking the intercession of Our Lady, Queen of Peace. May she protect our migrants, provide wisdom to global leaders, and encourage dialogue instead of conflict,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Mesiona.

Sa huli tiniyak ng CBCP-ECMI ang pananalangin at ang pag-aalay ng misa para sa kaligtasan ng mga OFW at mamamayan ng ibat-ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 2,998 total views

 2,998 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 59,155 total views

 59,155 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 122,836 total views

 122,836 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 192,158 total views

 192,158 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 222,410 total views

 222,410 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top