Isabuhay ang tunay na diwa ng Kuwaresma, paanyaya ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na tumindig, huwag matakot, at isabuhay ang tunay na diwa ng Kuwaresma bilang pakikiisa sa paghihirap at tagumpay ni Hesus.

Sa kanyang homiliya sa ikalawang Linggo ng kuwaresma, iginiit ng obispo na ang mga gawain sa kuwaresma ay hindi lamang tradisyon kundi malinaw na paanyaya sa landas tungo sa pagbabagong-buhay.
“Tumindig na tayo at gawin ang mga gawain ng kuwaresma – magdasal, magpenitensiya at magkawanggawa. Huwag tayong matakot,” panawagan ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng obispo na malinaw ang layunin ng bawat sakripisyo at pagtalikod na isinasagawa ng mga Kristiyano sa panahon ng Kuwaresma na makiisa sa tagumpay at kaluwalhatian ni Hesus sa kanyang muling pagkabuhay.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang pagbabagong-anyo ni Hesus ay paalala na ang paghihirap ay hindi ang wakas kundi daan patungo sa kaluwalhatian.

“Ang kaluwalhatian ni Jesus sa kanyang pagbabagong anyo ay isang assurance ng kagandahan at kaluwalhatian na mapapasaatin, pero bago tayo makarating doon, dadaan muna tayo sa krus,” paliwanag ng obispo.

Kaugnay nito, hinamon ng obispo ang mga mananampalataya na iwan ang kanilang mga nakasanayan at tumugon sa paanyaya ng Panginoon.

“Iwanan natin ang ating comfort zone at sumunod kay Jesus ngayong kuwaresma,” giit ni Bishop Pabillo.

Tinukoy rin ng obispo ang halimbawa ni Abram sa unang pagbasa na iniwan ang kanyang bayan at katiyakan upang sundin ang tawag ng Diyos, tanda ng ganap na pagtitiwala at pananalig.

Binigyang-linaw ng obispo na ang tunay na diwa ng Kuwaresma ay hindi lamang pag-aayuno at panlabas na penitensiya kundi ang panloob na pagbabago.

“Ang mga ito ay magdadala sa atin ng pagbabago, at magandang pagbabago! Kailangan tayong manalig na ito ay mangyayari,” ani ng obispo.

Dagdag pa niya, hindi dapat panghinaan ng loob ang mga mananampalataya sa harap ng sakripisyo at pagsubok dahil hindi nagtatapos sa paghihirap ang karanasan ni Hesus sa krus.

Tiniyak ni Bishop Pabillo na ang pagsama kay Kristo sa paghihirap ay may kaakibat na pakikiisa sa Kanyang tagumpay.

“Kung kasama natin siya sa pagkamatay sa lumang pagkatao natin na nagdadala ng katamaran, ng bisyo at ng galit at hinala, makakasama din niya tayo sa kaluwalhatian ng bagong buhay.”

Ang mensahe ng obispo ay paanyaya sa bawat mananampalataya na yakapin ang Kuwaresma bilang panahon ng tapang, pagtitiwala, at pag-asa sa pangakong bagong buhay kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,104 total reads

 61,104 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,097 total reads

 140,097 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,542 total reads

 173,542 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,840 total reads

 208,840 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,904 total reads

 432,904 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top