CBCP-ECPPC, suportado ang ASL ng BJMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,217 total reads

Nagpaabot ng suporta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) sa programang pang-edukasyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggo.

Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon, kahangga-hanga ang programang pang-edukasyon ng BJMP katuwang ang Department of Education bilang isa sa mga pangunahing programang pangrehabilitasyon para sa mga bilanggo.

Pagbabahagi ng Obispo ang pagkakaloob ng Alternative Learning System (ALS) ng BJMP at maging ng Bureau of Correction ay nakapagdudulot ng panibagong pag-asa para sa mga bilanggo na nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral maging sa loob ng piitan.

“The Alternative Learning System (ALS) is indeed one of the flagship rehabilitation programs of BJMP in the jails. It’s a very laudable initiative in cooperation with the DepEd. It’s also being done in BUCOR but not as intensive as that in BJMP. It gives hope to the PDLs especially those who are unlearned as they have a chance to learn basic education (3Rs) and have a government certification while in detention.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon.

Umaasa naman ang Obispo na higit pang paglaan ng pondo ng pamahalaan ang programang pang-edukasyon sa mga piitan upang bigyan ng pagkakataon ang mga bilanggo na makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang pagkakasalang nagawa sa buhay.

“We just hope they will inject more government funds for it. At the Manila City Jail, they built a building for it. And so we at the CBCP ECPPC in particular, are very supportive of this program.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Matatandaang sa naganap na pagdiriwang ng 32nd BJMP Anniversary ay ibinahagi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief, Jail Director Ruel Rivera, DSC, na umaabot na sa 75,401 bilanggo ang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa elementarya at sekondarya sa mula taong 2016 hanggang 2022 sa ilalim ng ALS Program na nakapaloob sa programang Tagapangala Ko, Guro Ko ng BJMP.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang mga prisinto at mga piitan ay hindi dapat na magsilbing tapunan o lagakan sa mga nagkamaling indibidwal sa halip ay lugar kung saan muling maiaangat ang kanilang dignidad at kalagayan para sa muling pagbabalik ng kabutihan sa kanilang mga puso’t isipan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 5,265 total reads

 5,265 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 47,371 total reads

 47,371 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 154,247 total reads

 154,247 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 198,914 total reads

 198,914 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 220,933 total reads

 220,933 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top