Cebu Archbishop Uy, tiniyak ang pakikilakbay sa 5-milyong mananampalataya sa arkidiyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,605 total reads

Buong kababaang loob na ipinagkatiwala ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa Panginoon ang kanyang bagong misyon bilang pastol ng may limang milyong Katoliko sa Arkidiyosesis ng Cebu.

Ayon sa arsobispo, bagamat hindi siya karapat-dapat, sisikapin niyang mapagtibay ang mga gawaing pagpapastol sa gabay ng Panginoon, na siyang nagtalaga sa kanya sa misyon.

“My dear Cebuanos, I cannot promise to be the best Archbishop. But with humility and trust in God, I promise to give you my best—so that together, we may walk closer to Christ, our true Shepherd,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Batid ng arsobispo ang malaking tungkuling kakaharapin sa pagsisimula ng kanyang misyon, lalo na’t ang Arkidiyosesis ay binubuo ng 173 parokya.

Ayon sa kanya, maaaring hindi kaya ng kanyang sariling kapasidad ang ganitong kalaking responsibilidad, ngunit sa tulong at paggabay ng Panginoon, tiwala itong magtatagumpay sa kanyang bagong misyon.

Hiling ng arsobispo sa mga nasasakupan, lalo na sa mahigit 600 na mga pari ng Arkidiyosesis na magiging katuwang niya sa pagpapastol, na magtulungan upang isulong ang pagbubuklod ng pamayanan, o ang synodality.

Tiniyak ni Archbishop Uy ang kanyang pakikilakbay sa bawat isa, kabilang na ang mga nasa laylayan ng lipunan, mga inaabandona, mga nasa piitan, mga magsasaka, at mangingisda sa malalayong lugar ng Cebu.

“Together, let us build bridges, not walls, and work for the good of every Cebuano,” dagdag ng arsobispo.

Sa kasalukuyang karanasan ng bansa na nababalot ng kawalan ng katapatan at integridad sa pamumuno, sinabi ni Archbishop Uy na pagsusumikapan niyang maging halimbawa at huwarang pastol ng Kristiyanong pamayanan.

“In our country today, people long for leaders who are transparent, accountable, and faithful to their mission. I want to embrace that call in my own life as your shepherd,” giit ng arsobispo.

Naniniwala ang bagong arsobispo na kung maisasabuhay ng mga pastol ng simbahan ang mga itinuturo at ibinabahagi, magkakaroon ng tiwala ang publiko sa pagbabago ng lipunan, sa kabila ng matinding karanasan ng bansa, gaya ng malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Samantala, tiniyak naman ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma ang patuloy na suporta sa bahong arsobispo sa mga gawain ng Arkidiyosesis.

Pinangunahan naman ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang seremonya ng pagluklok kay Archbishop Uy sa cathedra ng Cebu Metropolitan Cathedral.

Dumalo sa pagtitipon sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, na nagbigay ng homiliya sa pagdiriwang; Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula; Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines; at ang mahigit 60 mga obispo.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 13,069 total reads

 13,069 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 74,652 total reads

 74,652 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 111,440 total reads

 111,440 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 142,590 total reads

 142,590 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 192,521 total reads

 192,521 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 254,122 total reads

 254,122 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top