CMSP,nakikiisa sa pamilyang naiwan ng EJK victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,652 total reads

Nakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa mga pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings (EJK) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na Pagbangon sa Hapag ng Pag-asa nitong March 31, 2025, sa Minor Basilica of San Pedro Bautista sa Quezon City, binigyang-diin ng CMSP ang kahalagahan ng pagtitipon upang alalahanin ang mga yumaong mahal sa buhay, hilumin ang sugatang puso, at muling manindigan para sa katarungan at kapayapaan.

Ginawa ito kasunod ng pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay Duterte noong March 11, 2025 dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

“For many families, this moment represents a step toward accountability after years of struggle, pain, and unanswered calls for justice. Yet, while legal proceedings unfold, our commitment to supporting these families remains steadfast. Their grief is not erased by legal actions alone; they continue to seek truth, healing, and dignity for their loved ones,” pahayag ng CMSP.

Sinabi ng CMSP, na sa kabila ng paglipas ng mga taon, nananatiling buhay ang dalamhati at panawagan ng katarungan ng mga naulilang pamilya.

Sa Misa Pasasalamat na pinangunahan ni CMSP Co-Chair Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, pinarangalan ang mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga larawan sa tabi ng imahen ni Hesus na Mahirap, pag-aalay ng bulaklak, at pagbabasbas.

Isinagisag nito ang sama-samang panawagan para sa katotohanan, katarungan, at kagalingan ng mga naulilang pamilya.

“We believe that faith compels us to act—to stand with those who grieve and to seek a future where justice prevails… As we gather at the table of hope, we reaffirm our commitment to accompany these families, to work for truth and accountability, and to build a society where life and dignity are upheld above all,” ayon sa CMSP.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng CMSP, muling pinagtibay ng kapulungan ang misyon bilang mga saksi ng katotohanan at tagapagtaguyod ng katarungan at kapayapaan para sa mga inaapi, mahihirap, at nagdadalamhati.

Batay sa ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), halos 9,000 katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte, habang tinatayang mahigit 20,000 naman ayon sa iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,553 total reads

 110,553 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,550 total reads

 248,550 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,326 total reads

 364,326 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,325 total reads

 480,325 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,916 total reads

 243,916 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top