COCOPEA, nagpasaklolo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,098 total reads

Nanawagan ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa pamahalaan ng kagyat ng tulong para sa pampribadong sektor ng pag-aaral.

Tinukoy ng mga pribadong paaralan ang suliranin sa pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral, paglipat ng mga guro sa mga pampublikong paaralan at pagkalugi.

Ayon kay Father Albert Delvo, chairperson ng COCOPEA at pangulo ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), ang pagpapalawak ng pamahalaan sa ibinibigay na subsidy sa mga pribadong paaralan ay lubhang kinakailangan upang patuloy na makapagbigay ng kalidad na edukasyon at makadiyos na paghuhubog sa mga estudyanteng mag-aaral sa pribadong sektor ng edukasyon.

“And so, gently and firmly we request the government to expand the government subsidy be expanded to learners studying in private education institutions, either basic education or tertiary,” panawagan ni Fr.Delvo sa administrasyong Marcos

Iginiit din ng Pari na napapanahon ang pinaigting na pagtutulungan ng pribado at pampublikong sektor ng edukasyon upang sama-samang matugunan ang mga suliranin na katulad ng education crisis sa Pilipinas.

Kaugnay sa hinaing ng private education sector sa pamahalaan ay iginagalang ni Fr.Delvo ang malayang pagpili ng mga magulang kung saan paaralin ang mga anak.

“First we Recognize the right of learners and parents to the education of the children and parents have the option to send the children either to the public schools or private educational institutions that’s the right,” ayon pa sa mensahe ni Fr.Delvo.

Sa tala ng Department of Education, sa mahigit 12-libong private education schools and institutions sa Pilipinas ay mahigit na sa 400 na paaralan ang nagsara simula noong taong 2020.

Lumabas naman sa pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA), pang-apat ang mga Pilipinong mag-aaral sa pinakamababang bilang na mayroong kakayahan at sapat na kaalaman sa ‘creative thinking’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 48,411 total reads

 48,411 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 98,032 total reads

 98,032 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 145,903 total reads

 145,903 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 249,852 total reads

 249,852 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 333,509 total reads

 333,509 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top