Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,745 total views

Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong sa kanilang pagpapastol sa mahigit 80-milyong Pilipinong katoliko.

“We ask your prayers for us to be your more dedicated and devoted shepherds who serve, suffer and sacrifice like our Lord Jesus Christ,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nagsimula ang pagtitipon ng mga obispo nitong July 2 sa isang retreat sa Transfiguration Abbey na pinangangasiwaan ng Benedictine Monks sa Malaybalay Bukidnon kung saan magbibigay ng talk si Vatican Secretary for Relations with States Archbishop Paul Gallagher.

Isasagawa ang ika – 128 CBCP plenary assembly sa July 6 hanggang 8 sa Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City. Sinabi ni Bishop Santos na kasabay ng pagtitipon ay ang panalangin ng mga obispo para sa natatanging intensyon ng Pilipinas at nasasakupang kawan.

“As your Bishops and as we begin our CBCP retreat please rest assured of our prayers and holy Masses for you, our dear people. We pray for your safety, sound health and strength as we go on with our pilgrimage of life here,” ani Bishop Santos.

Kabilang sa inaasahang tatalakayin ng CBCP ang paghalal ng mga mamumuno sa Commission on Catholic Education, Sub-commission on Retired, Sick, and Elderly Priests, Sub-commission for Permanent Deacons, at ng Office for the Postulation of the Causes of Saints.

Gayundin ang mga gawain sa nalalapit na Jubilee Year ng simbahang katolika sa 2025 na itinalaga ni Pope Francis bilang Pilgrims of Hope.

Tinatayang mahigit 80 obispo ang magtitipon sa plenary assembly na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao.

Sa kasalukuyan ang CBCP ay binubuo ng 83 aktibong obispo, limang paring tagapangasiwa at 39 na honorary members o mga retiradong obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 18,913 total views

 18,913 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 40,188 total views

 40,188 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 213,491 total views

 213,491 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 234,336 total views

 234,336 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top