Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COCOPEA, tutol sa pagbabawal ng ‘No Permit, No Exam law’

SHARE THE TRUTH

 2,770 total views

Muling hinayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA ang pangamba at pagtutol sa tuluyang pagsasabatas ng Senate BIll No.1359 o Prohibition of No Permit No Exam act.

Ayon sa COCOPEA, ang panawagan na huwag isabatas ang panukala ay dahil sa pagkaluging idudulot nito sa mga private schools kung saan pangunahing maapektuhan at mawalan ng kabuhayan ang mga guro at kawani ng mga paaralan.

Ito ay dahil sa pagbabayad ng mga estudyante ng tuition kinukuha ng mga pribadong paaralan ang kanilang pasahod sa mga guro, pondo sa pagkukumpuni, pagtatayo o pagsasaayos ng mga pasilidad at suweldo ng mga kawani sa paaralan.

Tiniyak rin ng COCOPEA ang pagkakaroon ng mga alternatibong polisiya na pahihintulutan parin makakuha ng exam ang mga kabataan .

Ang panawagan ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng nagkakaisang mensahe sa mga mambabatas at pamahalaan na may lagda ng mga kabilang sa COCOPEA na Catholic Education Association of the PhilippineS (CEAP) Unified TVET of the Philippines, Association of Christian Schools, Colleges and University (ACSCU), Philippine Association of Private School Colleges and Universities (PACU) at Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU).

Sa datos, aabot sa 2,500-private schools ang kasapi ng COCOPEA habang aabot naman sa 1,500 ang miyembro ng CEAP.

Una ng nananawagan CEAP sa mga mambabatas na pag-aralang mabuti ang pagsasabatas ng SB No.1359 dahil nakasalalay sa pagbabayad ng matrikula ng estudyante ang pondong ginagamit ng mga private catholic schools sa pagpapasuweldo ng mga guro at iba pang operational costs.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 20,999 total views

 20,999 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 41,726 total views

 41,726 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 50,041 total views

 50,041 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 68,495 total views

 68,495 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 84,646 total views

 84,646 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 4,427 total views

 4,427 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 12,145 total views

 12,145 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top