Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 267 total views

Ang kapakanan ng mga persons with disabilities (PWDs) ay kadalasan nating nakakaligtaan, may suliranin man ang bansa o wala. Ngayong panahon ng pandemya, mas madalas na natin silang makalimutan.

Kapanalig, ang mga PWDS ay maraming kinahaharap na hadlang sa kanilang makahulugang pakikilahok sa lipunan na maaring magtulak sa kanila sa kahirapan. Ang isa sa pinaka-obivous o matingkad ay ang kakulangan ng access at pasilidad para sa mga PWDs sa mga lansangan, transport system, at mga gusali ng bayan.

Maaring simpleng isyu lamang ito sa atin, pero sa PWDs, kapanalig, malaking dagok ito sa kanilang buhay. Ang kawalan ng maayos na access sa mga imprastraktura ng bayan ay katumbas na ng kawalan ng access sa edukasyon, trabaho, at paglilibang para sa PWDs. Ang lahat ng ito ay kailangan natin upang mabuhay ng disente at marangal. Abot kamay ito para sa karamihan, pero sa mga PWDs, maaring pangarap na lamang ito.

Tinatayang umaabot ng mahigit pa sa 1.44 milyon ang mga PWDs sa bansa base sa 2010 Census. Pero ayon sa 2016 data ng Philippine Statistics Authority (PSA), maaring magkaroon ng disability ang kahit sinong indibidwal. Ayon nga sa 2016 data nito, mga 12% ng mga Filipino edad 15 pataas ay nakaranas ng severe disability, halos isa sa dalawang Filipino ang nakaranas ng moderate disability, at 23% naman ang may mild disability. Maliban pa dito, isa sa tatlo o 32% ng ating mga seniors ay may severe disability.

Kung ating kakaligtaan ang kapakanan ng PWDs, malaking bahagi ng ating lipunan ang mawawaglit. Lalo ngayong pandemya, mas kailangan nila ang ating tulong dahil mas malaki ang impact nito sa kanilang hanay. Isipin mo na lang kapanalig, ang sitwasyon ng PWD na breadwinner ng isang pamilya. Sa lahat ng mobility restrictions na kinaharap natin ngayon, pihadong mas malala ang epekto nito sa PWDs. Paano na sila at ang kanilang pamilya? Isa-isip din natin na marami sa mga PWDs ang may underlying conditions. Kung hindi natin titingnan ang kanilang sitwasyon, ano na lang mangyayari sa kanilang kalusugan?

Kapanalig, kailangan laging inklusibo ang ating pagbangon at pagsulong sa kaunlaran. Hindi nararapat na may kahit isa nating kapwa na naiiwan. Ang disability o kapansanan ay hindi rason para sa kawalan ng access sa mga serbisyong panlipunan o kawalan ng karapatan ng mga mamamayan. Ayon nga sa Populorum Progressio, ang mahihirap, kasama na dito ang mga PWDs, ay hindi dapat natin ituring na pabigat sa lipunan. Ang kanilang pagsulong ay pagsulong din ng buong sangkatauhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 16,630 total views

 16,630 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,690 total views

 30,690 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,261 total views

 49,261 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,050 total views

 74,050 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 16,633 total views

 16,633 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,693 total views

 30,693 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,264 total views

 49,264 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,053 total views

 74,053 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,606 total views

 70,606 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,304 total views

 94,304 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,016 total views

 103,016 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,647 total views

 106,647 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,203 total views

 109,203 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567