CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,894 total reads

Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila.

Ayon CWS-NCR Chairman Father Noel Gatchalian, hindi makatao ang umento sa sahod para sa mga manggagawang Pilipino na apektado ng mabilis na inflation.

“Welcome yan at least na-iincrease, pero hindi parin yan-malayo parin yan sa 1,200 pesos na living wage. kasi dinadahilan naman ng mga big companies na yung mga maliliit daw na enterprises ay baka mawalan sila ng mga trabaho, pero lagi nilang dinadahilan yan, pero sa totoo lang, yung mga big companies, ang lalaki ng kaltas, makikita mo yung mga production nila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Sinabi ng Pari na ang 50-pesos na umento sa minimum wage ay pagpapakita ng kawalan habag sa mga manggagawa ang mga employer, opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Regional Tripartite Wage Productivity Board (RTWPB).

Patuloy naman ang apela ng Pari na magkaroon ng across the board legislated wage increase na tutugon sa paghihirap ng mga manggagawa sa mataas na arawang cost of living sa Metro Manila maging sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Pinuna naman ni Father Gatchalian ang katwiran ng mga employer na maaapektuhan ng legislated wage increase ang mga micro small and medium enterprises o MSME.

“Hindi nila itinuturing na tao ang bayan, ibig sabihin parang sila ay kagamitan lamang na pwede nilang patalsikin kung gusto nila, dapat ituring nila na partners yun, yung may karangalan din ang mga manggagawa kaya kahit na itinaas ng 50- pero kulang talaga yun, dapat bigyan nila ng karangalan ang mga manggagawa kasi malaki naman ang profit nila ibig sabihin, kumikita sila, malaki ang kita nila,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Ipapatupad ang wage increase sa July 18, 2025 sa NCR kung saan magiging minimum wage ay 695-pesos sa mga non-agricultural workers at 658-pesos naman sa mga agricultural workers.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,608 total reads

 12,608 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,735 total reads

 12,735 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 23,286 total reads

 23,286 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 79,692 total reads

 79,692 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 203,193 total reads

 203,193 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 287,401 total reads

 287,401 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 51,014 total reads

 51,014 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top