Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dahil sa mga problema sa halalan; Black Friday protest, ilulunsad

SHARE THE TRUTH

 12,406 total views

Nanawagan ang mga Non-Government Organizations sa mamamayan na makiisa sa isasagawang Black Friday Protest bilang pagkondena sa malawakang pandaraya sa katatapos lamang na midterm elections.

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa – Secretary General ng Sanlakas na bahagi ng Partido Lakas Masa, kinakailangang imbestigahan ang Commission on Elections at Smartmatic, upang magkaroon ng kaliwanagan kung bakit may depekto sa mahigit 1,000 Security Digital Cards (SD Card), at 1,333 Vote Counting Machines.

Dagdag pa ni Atty. Pedrosa, dapat rin magpaliwanag muli ang COMELEC sa pagkakaroon ng pitong oras na delay sa resulta ng Transparency Server.

Una ng hiningi ng iba’t-ibang mga partylist ang disclosure access sa mga data logs ng VCM mula mismo sa precinct level.

Ayon sa grupo kung mapatutunayan na ang mga botong binibilang sa canvassing ay mula mismo sa mga prisinto, ay mababawasan na ang duda ng mamamayan.

“Kung ma-establish natin na yung boto at the precinct level na na-cast ay yun din ang kina-canvass ngayon, then that would dispel and allay yung suspicion sa irregularities,” bahagi ng paliwanag ni Atty. Pedrosa sa Radyo Veritas.

Bago ang pagkilos ng iba’t-ibang mga grupo, maghahain din ang mga partido na Murang Kuryente, Lakas ng Masa, Akbayan, Serbisyong Bayan at Alliance of Philippine Partners in Enterprise Development (APPEND) ng motion and manifestation na naglalaman ng mga nabanggit na iregularidad sa eleksyon upang pormal itong masagot ng COMELEC.

Matapos ito, alas-kwatro ng hapon ay magtitipon ang mga grupo kasama ang iba pang organisasyon sa PICC grounds kung saan kasalukuyang ginagawa ang canvassing ng mga boto.

“Tayo’y nananawagan sa lahat ng mamamayan na sinusubaybayan itong nagdaang halalan at ang canvassing na nagaganap. Malinaw po na maraming mga katanungan ang hindi nasasagot, na pinapalampas at tila ba dinadagan [tinatabunan] hindi sinasagot ng COMELEC at ng administrasyon, ang panawagan lang natin ay simple, magkaroon ng malinaw, malinis, credible na resulta ang halalan,” pahayag ni Atty. Pedrosa.

Hinikayat pa nito ang taumbayan na magsuot ng itim, bilang pagpapakita ng pagkondena sa dayaan at upang ihayag ang kahilingan ng mga Pilipino na magkaroon ng malinis, at tapat na resulta ang halalan.

“Magsuot ng itim, ito po ay pagpapahayag na pinoprotesta natin yung malawakang dayaan, disenfranchisement, vote buying na tila ba hindi na tayo umusad dyan mula pa noong unang na set up yung automated election process. Tumindig, mag-ingay at makiisa sa gagawing pagkilos,” dagdag pa ni Atty. Pedrosa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,048 total views

 10,048 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,148 total views

 18,148 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,115 total views

 36,115 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,434 total views

 65,434 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,011 total views

 86,011 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 12,960 total views

 12,960 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 12,635 total views

 12,635 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 12,419 total views

 12,419 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 12,427 total views

 12,427 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 12,423 total views

 12,423 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top