Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,298 total views

Homiliya para sa Linggo ng Pentekostes, 19 ng Mayo 2024, Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay araw ng pagdiriwang ng pagdating ng regalong dulot ng pagkabuhay ni Kristo at pag-akyat niya sa langit: ang Espiritu bumaba at lumukob sa mga alagad upang magpatuloy sa pamamagitan nila ang misyon ni Kristo. Ano ang misyon na iyon? Ang misyon na baguhin, hindi lang sila, hindi lang ang sangkatauhan, kundi ang buong sanlibutan sa pamamagitan nila.
Iyon ang sinasabi ng isa sa pinakamatandang panalangin sa Espiritu Santo: Come Holy Spirit:

Come, Holy Spirit, fill the hearts of Thy faithful
and kindle in them the fire of Thy love.
Send forth Thy Spirit and they shall be created.
And Thou shalt renew the face of the earth.

Sa Tagalog:
Halina, Espiritung Banal, puspusin mo ang mga puso ng iyong mga mananampalataya
at pagningasin mo sa kanila ang apoy ng iyong pagibig.
Hayaan mong umihip sa kanila ang banal mong hininga
upang sila’y malikha at upang sa pamanagitan nila ang daigdig ay maging isang bagong sangnilikha!

Apoy ng Pag-ibig ang tawag sa Espiritu Santo. Sa Latin ang salita para sa pag-ibig ay CARITAS, na sa Ingles ay CHARITY. May kasabihan tayo sa Ingles: “Charity begins at home.” Sa tahanan daw nagigising ang kagandahang-loob ng tao, natutong magmalasakit at lumabas sa sarili. Totoo naman, di ba? Kaya nga napaka-importante ng pamilya, kasi ito ang unang eskwelahan natin. Dahil karamihan sa atin lumaki sa hirap, sa mesa tayo natuturuan unang magmalasakit, at matuto sa pakiramdaman. Hindi ba pag pinakakain ang mga aso sa iisang kainan, natural lang na kung pare-pareho silang gutom, mag-uunahan sila, minsan mag-aaway pa nga dahil lahat sila walang ibang hangad kundi ang makakain nang sapat at mabusog? Ganyan kasi ang hayop.

Pero tayo, kahit hayop din tayo, alam natin higit pa tayo sa hayop. Tao tayo, marangal. Kaya tinuturuan tayo na magpakatao,isipin ang kapakanan at ikabubusog hindi lang ng sariling tiyan, kundi ng bawat isa. Iyan ang charity—pag-ibig o pagmamahal. Sa pamilya tayo unang natuturuang makipagkapwa, mag-isip sa kapakanan ng isa’t isa, magmahal, para maging tunay na tao, para magpakatao.

Ang Pentekostes ay tungkol sa pagbubuo ng Diyos ng pamilya, tungkol sa tahanan na gustong buuin ng Diyos, na ang miyembro ay hindi lang mga kadugo—kundi buong sangkatauhan (ibig sabihin, maituring na kapatid ang lahat ng kapwa tao), buong sanlibutan (lahat ng kapwa nilalang). Kaya ipinagdiriwang din natin ang Pentekostes bilang simula ng LAUDATO SI WEEK na ang tema ay “Mga Unang Bunga ng Pag-asa.” Parang harvest festival kasi ang orihinal na Pentekostes ng mga Hudyo. Shabuoth ang tawag nila sa Hebreo, araw ng pasasalamat para sa anihan, o sa unang bunga ng lupa. Kasabay ito, para sa kanila ng pagtanggap nila ng Sampung Utos ng Diyos para sa matuto silang mabuhay bilang katipan ng Diyos, matutong umibig sa Diyos nang higit sa lahat at umibig sa kapwa na gaya nang sarili. Ibig sabihin, maging pamilya ng Diyos.

Oo, totoong “Charity begins at home,” nagsisimula sa pamilya ang pag-ibig. But it should not end at home. It begins there, nagsisimula lamang. Kailangan siyang malubos at mabigyan ng kaganapan. At ito ang misyon ni Kristo, na siyang dahilan para sa Pentekostes. Para matupad ang Pangarap ng Diyos na mabago ang buong daigdig upang maging pamilya ng Diyos—tumanggap ng bagong dila, hindi dilang laman kundi dilang apoy—simbolo ng wika o linggwahe ng Diyos, and linggwahe ng CARITAS, PAG-IBIG. (Iyon ang Espiritu: ang apoy ng Pagibig ng Diyos, the fire of God’s love, na siya lang makapagbabago sa daigdig at sa relasyon ng tao, hindi lang sa kapwa tao kundi sa lahat ng kapwa nilalang.

Kaya naging inspirasyon ni Pope Francis ang panalangin ni Saint Francis of Assisi sa kanyang encyclical na Laudato Si—Care for the Earth, our Common Home. Tungkol sa mas malawak at mas malaking tahanan na nais likhain ng Diyos.

“Purihin ka, Panginoon ko, sa lahat ng iyong mga nilikha,
Lalo na kay Araw na aming kuya
Upang sa pamamagitan niya’y masikatan kami ng iyong liwanag…
Gayundin sa buwan at mga bituin na aming mga ate sa langit
Hinubog mo sila upang aming mamalas sa pamamagitan nila ang iyong kaningningan…
Gayundin ang simoy ng hangin na kapatid rin namin,
upang sa pamamagitan niya lahat kaming iyong mga nilikha ay maginhawang makahinga
Gayundin sa ate naming tubig na Hindi rin iba sa amin ,
Purihin ka sa kapatid naming apoy at sa lupang aming nanay upang sa pamamagitan niya kami rin ay umusbong, mamukadkad at laging maging mabunga
Gayundin kay ateng kamatayan na di maiiiwasan ninuman sa amin…”

Malasakit ang tawag natin kapag nararamdaman na natin ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong malapit sa atin. Bakit? dahil kapamliya ang turing mo sa kanila, parang nakaugnay ka na sa kanila. Ang nakakaapekto sa kanila ay nakakaapekto na rin sa iyo. Pero sa Pentekostes, ang itinatanim na pag-ibig na Diyos, ang hininga na ibinibigay sa atin, ang apoy na sinisindihan sa mga puso natin ay pag-ibig na nag-uugnay sa atin hindi lang sa kadugo, hindi lang sa kalahi, hindi lang sa kapwa-tao, kundi sa lahat ng kapwa nilikha. Pinalalaki ang ating tahanan—buong sanlibutan, pati araw at hangin, buwan at bituin, tubig, lupa, apoy, lahat ay nakaugnay na sa atin.

Isa sa mga lumang kantang Pilipino na para sa akin ay magandang inspirasyon para sa diwa ng Pentekostes ay ang IKAW AKO MAGKAKAPATID ng New Minstrels.
Ito ang awit na Espiritu Santo:

Matutuhan lang ng bawat nilikha
Ang umibig sa tao at daigdig
Lungkot nila’y mapapawi
Ligaya’y ngingiti
Pag-ibig at pag-asa
Ang damdaming gigising
Sa taong nahimbing
Ang tunay na ligaya
Sa ating mga puso
Muling magniningning
Ikaw at ako
Hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat
Ay magkakapatid.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 3,430 total views

 3,430 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 22,457 total views

 22,457 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 17,813 total views

 17,813 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 26,523 total views

 26,523 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 35,282 total views

 35,282 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RED DAY

 15,632 total views

 15,632 total views On this “red day” of my life and ministry as a bishop, allow me to repost a homily I delivered on 25 Nov. 2020, Red Wednesday, entitled “WASHED BY THE BLOOD OF THE LAMB” based on Lk 21:12-19, Memorial of St. Catherine of Alexandria Red is a dangerous color. The Spaniards say if

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ATTENTIVENESS

 7,144 total views

 7,144 total views Homily for 1st Sunday of Advent, 1 Dec 2024, Lk 21:25-28, 34-36 Someone once asked me what our Kapampangan word for listening is. I said “Makiramdam.” He seemed puzzled because he knows that “makiramdam “ is also a Tagalog word and it means “to feel.” So how do you say, “to feel” in

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LESSONS FROM NATURE

 6,555 total views

 6,555 total views Homily for Friday of the 34th Week in OT, 29 Nov 2024, Lk 21:29-33 “Consider the fig tree…”, Jesus says in today’s Gospel. Two Sundays ago (on the 33rd Sunday of Year B from Mark 13:24-32), we heard Mark’s parallel to this narrative. But there, Jesus says, “Learn a lesson from the fig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MGA ARAL NG KALIKASAN

 9,859 total views

 9,859 total views Ika-33 Linggo ng KP, taon B, ika-17 ng Nobyembre 2024, Marko 13:24-32 Noong nagpilgrimage ang mga pari ng Kalookan, minsan nakita ko ang isa sa mga pari namin na “plantito” ring tulad ko. Nakatayo siya sa ilalim ng isang punongkahoy sa tapat ng hotel. Nakahawak siya sa gilid ng puno, nakadampi ang palad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EXCUSES

 13,545 total views

 13,545 total views Homily for Tuesday of the 31st Week in OT, 5 Nov 2024, Lk 14:12-14 I hope you don’t mind that I do some “reading between the lines” of the parable narrated by Jesus in today’s Gospel. Is the host in the story commanding his servant to let the poor and the crippled, the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 9,537 total views

 9,537 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 11,667 total views

 11,667 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 11,667 total views

 11,667 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 11,668 total views

 11,668 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 11,664 total views

 11,664 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 12,537 total views

 12,537 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 14,738 total views

 14,738 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 14,771 total views

 14,771 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 16,125 total views

 16,125 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 17,221 total views

 17,221 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »