Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dangal ng pagboto

SHARE THE TRUTH

 1,714 total views

Mga Kapanalig, hindi naging malinis ang nakaraang halalan.

Hindi ito dahil nagkaroon ng malawakang dayaan, kundi dahil naging laganap at lantaran ang pagbili ng boto, lalo na ng mga lokal na kandidato. Nakapagtala ang Comelec ng hindi bababa sa 30 kaso ng vote-buying sa buong bansa, habang nakahuli ang PNP ng mahigit 170 kataong namili umano ng boto. Lubhang mababa ang mga bilang na ito dahil maraming kaso ang hindi na nai-report sa Comelec at PNP.

Malinaw sa Omnibus Election Code na bawal ang pagbili at pagbenta ng boto. At hindi lamang mga kandidato ang saklaw ng pagbabawal na ito. Sinasabi sa batas na “any person” o sinumang nagbibigay, nag-aalok, o nangangako ng pera o anumang may halaga, pati mga pangako ng trabaho o pabor, upang udyukan ang mga taong bumoto para sa isang kandidato o laban sa isang kandidato ay gumagawa na ng vote-buying. Ibig sabihin, hindi kailangang ang kandidato ang mismong nag-aabot ng pera o nagbibigay ng pabor. At wala ring sinasabi sa batas kung magkano ang dapat na halaga ng pera o pabor na ibibigay sa isang botante para masabing vote-buying ang kaso—sanlibong piso man yan o sampung piso, vote-buying na iyon. At ang pagtanggap ng mga ito—o vote-selling—ay labag din sa batas. Election offense din ang pagbibigay at pagtanggap ng pamasahe, pagkain, at iba pang bagay na may halaga limang oras bago at pagkatapos ng isang public meeting bago ang araw ng halalan at sa mismong araw ng halalan. Kung magiging istrikto tayo sa pagpapatupad ng batas, tiyak na marami ang guilty at mapapatawan ng parusa.

Ngunit sa lahat ng taong dapat nakauunawa ng batas at tumitiyak na napoprotektahan ang mga botante laban sa mga mapagsamantalang mga pulitiko, mismong si Pangulong Duterte pa ang nagsabing walang problema sa vote-buying. Paliwanag ng pangulo, “integral part” o hindi maihihiwalay na bahagi ng halalan sa bansa ang pamimili ng boto, at “walang hindi nagbibili ng boto.” Kalakaran na raw ng mga kandidato ang gastusan ang pamasahe ng mga botante at ang pagkain ng mga nangangampanya para sa kanila. Ano ang tingin ninyo rito, mga Kapanalig?

Dahil sa naging laganap at lantaran nga ang vote-buying nitong nakaraang halalan, hindi mahirap sang-ayunan ang sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos. Aniya, sa pamimili nila ng boto, sadya yatang ayaw ng mga pulitiko na iangat mula sa kahirapan ang mga tao upang lagi nila silang makontrol. Kaya naman, duda si Bishop Alminaza kung tunay ngang naging malaya ang nakaraang eleksyon at kung boses nga ba ng mamamayan ang sinasalamin ng naging resulta ng botohan.

Maliban sa dapat aksyunan ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga ulat tungkol sa vote-buying, nakasalalay sa ating mga botante kung tutuldukan natin ang hindi matibag-tibag na kultura ng vote-buying at vote-selling. Tunay ngang mahirap ito lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang tumatanggap ng pera hindi lamang dahil hindi nila alam ang batas kundi dahil pinaiiral nila ang kanilang pagiging praktikal. May nangangatwirang pambili rin ng pagkain ang isangdaan, limandaan, o sanlibong pisong iaabot sa kanila ng mga kandidato. Alam nating mali ang ganitong pangangatwiran, ngunit kailangan tayong maghain ng alternatibong pananaw upang mabago ang kalakarang ito. Magsisimula ito sa pag-udyok sa kapwa nating bumoto ayon sa kanilang konsiyensya at ipaglaban ang danagl ng kanilang boto. Ngunit sapat na nga ba iyon?

Mga Kapanalig, hindi dahil “integral part” na ng halalan ang vote-buying ay dapat na natin itong hayaang magpatuloy. Sa maliit na paraan, simulan natin ang pagbasag sa kulturang ito sa ating pamilya at pamayanan, at baka naman sa susunod na eleksyon, tunay na boses ng mamamayan ang maririnig.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 2,377 total views

 2,377 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 20,344 total views

 20,344 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 49,880 total views

 49,880 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 70,583 total views

 70,583 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 78,806 total views

 78,806 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 2,378 total views

 2,378 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 20,345 total views

 20,345 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 49,881 total views

 49,881 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 70,584 total views

 70,584 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 78,807 total views

 78,807 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 94,857 total views

 94,857 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 105,913 total views

 105,913 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 69,775 total views

 69,775 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 58,204 total views

 58,204 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 58,426 total views

 58,426 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 51,128 total views

 51,128 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 86,673 total views

 86,673 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 95,549 total views

 95,549 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 106,627 total views

 106,627 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top