DAP Center ng SuGoD, pormal na bubuksan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,267 total reads

Ipagdiriwang ng Surrender to God (SuGoD) program ang ika-9 na anibersaryo nito sa darating na Agosto 14 sa pamamagitan ng isang misa ng pasasalamat at pormal na pagbubukas ng bagong ayos na Dangpanan Alang sa Paglaum (DAP) Center sa Canamucan, Compostela, Cebu.

Ayon kay Layko Cebu Chairperson at SuGoD Founder Fe Barino, lalong paiigtingin ng programa ang faith-based rehabilitation sa pamamagitan ng pinalawak na mga formation program, bilang pakikiisa sa mithiin ng pamahalaan na tuluyang alisin ang ilegal na droga sa lipunan.

“Drug addiction remains a problem in our society, and SuGoD’s faith-based recovery program has been our response since 2016—during the time of the war on drugs under PRRD—until today, now with better programs and facilities,” ani Barino.

Ang DAP Center ay magsisilbing ligtas na lugar para sa mga kalahok sa programang SuGoD na dumaraan sa proseso ng rehabilitasyon. Isa ito sa mga inisyatibo ng Duros Group upang tugunan ang pangangailangan ng pamayanan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pananampalataya at pagpapahayag ng mensahe ni Kristo.

Itinatag noong 2016 kasabay ng paglulunsad ng malawakang kampanya laban sa ilegal na droga, nakatulong na ang SuGoD program sa daan-daang indibidwal upang matapos ang kanilang rehabilitasyon. Bukod sa spiritual formation, tinuturuan din ang mga kalahok ng iba’t ibang kasanayan—lalo na sa larangan ng konstruksyon—bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik sa lipunan.

Sa pagpasok ng ikasampung taon nito, tiniyak ni Barino na magpapatuloy ang SuGoD sa pagtulong sa mga taong nagnanais magbago, “not only to help them overcome addiction but also to rebuild their lives with faith, dignity, and purpose.”

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,015 total reads

 5,015 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,143 total reads

 5,143 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,135 total reads

 10,135 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,541 total reads

 66,541 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,043 total reads

 190,043 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,024 total reads

 275,024 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top