Dayalogo, hiling ng Santo Papa sa Israel at Palestine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa Israel at Palestine na wakasan ang karahasan sa lugar at paigtingin ang dayalog tungo sa pagkakasundo.

Ito ang mensahe ng santo papa kaugnay sa nagpapatuloy na kaguluhan sa lugar na labis nakaapekto sa mamamayan. Binigyang diin ni Pope Francis na ang poot na nauuwi sa karahasan sa iba’t ibang lungsod sa Israel ay malubhang pinsala sa pagkakapatiran at kapayapaan ng mga mamamayan sa lugar.

“I make an appeal to calm and, to who is responsible for it, to put a stop to the din of weapons and to follow the paths of peace, even with the help of the International Community,” mensahe ni Pope Francis.

Iginiit ng punong pastol ng simbahan na hindi kailanman tugon sa anumang suliranin ang karahasan at digmaan subalit ang pagbubuklod-buklod at pakikipag-usap ang mabisang daan tungo sa pagkamit ng kapayapaan.

[smartslider3 slider=21]

Sa pahayag ng Israeli military mahigit sa 50 war planes ang naglunsad ng mga pag-atake sa Gaza nitong Mayo 17, 2021. Umabot na sa 200 ang nasawi sa digmaan sa pagitan ng Israel at Gaza habang mahigit sa 1, 000 naman ang nasugatan.

Sinabi ni Pope Francis na bukod tanging dayalogo lamang ang magpapanauli sa kaguluhan sa mga lugar sa Holy Land.

“The growing hatred and violence that is involving various cities in Israel is a serious wound to fraternity and to peaceful coexistence among the citizens, which will be difficult to heal if we do not open immediately to dialogue,” ani Pope Francis.

Ito na ang pinakamalubhang karahasan sa pagitan ng Israel at Palestinian territory of the Gaza strip mula 2014.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,378 total reads

 90,378 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,662 total reads

 167,662 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,110 total reads

 201,110 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,409 total reads

 236,409 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,414 total reads

 459,414 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top