VeritasPH

The Word, The Truth

Legacy ni Msgr.Vengco, kinilala

SHARE THE TRUTH

 536 total views

Inilarawan ni Mariologist priest Fr. Yulito Ignacio ng Pueblo Amante de Maria Mariological Marian Society of the Philippines (PAMMMSPhil) na marian in action ang namayapang si Msgr. Sabino Vengco.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Fr. Ignacio na tapat at butihing pastol ng simbahan ang pari na naglilingkod sa Panginoon hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Sinabi nitong ito ay pagsasabuhay sa mga halimbawa ni Maria na buong pusong nagpuri at naglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paglingap sa kapwa.

“Si Msgr. Vengco ay isang mariologist and marian in action, a pillar of theology and mariology; larawan siya ni Maria na gumagawa, naglilingkod, at nagmamahal sa kanyang anak na si Hesus,” pahayag ni Fr. Ignacio sa Radio Veritas.

PSD Toktok

Pumanaw si Msgr. Vengco nitong Mayo 17, 2021 ganap na alas dos ng hapon sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa komplikasyon.

Hinikayat ni Fr. Ignacio ang mananampalataya na palalimin ang debosyon sa Mahal na Birhen na gagabay tungo sa kanyang anak na si Hesus tulad ng mga halimbawa ni Msgr. Vengco na buong tapang inihayag ang salita ng Diyos.

“Tularan natin si Msgr. Vengco na hindi natakot ipahayag si Kristo sa anumang dako siya pumaroon, sa radyo at telebisyon; buong sumunod kay Hesus sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria,” ani Fr. Ignacio.

Matatandaang noong Marso ay isinugod sa pagamutan si Msgr. Vengco matapos mahawaan ng COVID-19 subalit gumaling at nakalabas nitong Mayo.

Mayo 11 nang muling isugod ang pari sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan at sumailalim sa gallbladder surgery nitong Mayo 13.

Ibinahagi ni Fr. Ignacio na nauna nang tumanggap ng sakramento ng pagpapahid ng banal na langis si Msgr. Vengco sa pamamagitan ni Fr. Jun Abogado ng health ministry ng Archdiocese of Manila habang nabigyan din ito ng pagbabasbas ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas bago pumanaw.

Inordinahang pari si Msgr. Vengco noong 1966 sa ilalim ng Diyosesis ng Malolos. Kilala ang pari sa kawanggawa kabilang na ang pagtatag sa ‘Kadiwa sa Pagkapari Foundation’ na tututok at mangangalaga sa mga matatanda at retiradong mga pari at obispo lalo na ang mga may karamdaman.

Itinatag ng pari ang Ephesus Ministry para lingapin ang mga retiradong diyosesanong pari sa buong bansa at suportahan ang kanilang pangangailangan. Sa mahigit limang dekadang paglilingkod ni Msgr. Vengco tumanggap ito ng iba’t ibang pagkilala dahil na rin sa masigasig nitong pagpapahayag ng salita ng Diyos.

Kabilang na rito ang “Dangal ng Lipi (Panglilingkod sa Pampamayanan) na iginawad ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan noong 2010. Kinilala rin ito San Jose Seminary o “San Jose Award” noong 2009 dahil sa pagpapaigting ng pagtuturo sa mga seminaryo katuwang sa paghubog ng mga magpapari at “Gawad Sagisag Quezon” mula sa Komisyon sa Wikang Pilipino dahil sa paggamit ng wikang Filipino sa Mass Media.

2007 nang tanggapin ng pari ang “Serviam” award ng Catholic Mass Media Awards dahil sa iba’t ibang programa sa radyo at telebisyon na pagbabahagi ng kristiyanismo sa bansa.

Kilalang manunulat din si Msgr. Vengco kung saan karamihan sa mga aklat ay tungkol sa debosyon sa Mahal na Birhen at huling sinulat nito ang ‘Shaping the Marian Piety’ bilang ambag sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan ang pari sa Libingan ng mga Paring Taga-Hagonoy sa Mayo 22 pagkatapos ng requiem mass sa ala una ng hapon na pangungunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 5,818 total views

 5,818 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,354 total views

 13,354 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,340 total views

 29,340 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,385 total views

 37,385 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,465 total views

 42,465 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 439 total views

 439 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 1,271 total views

 1,271 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 1,345 total views

 1,345 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 4,438 total views

 4,438 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 4,446 total views

 4,446 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 4,979 total views

 4,979 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 5,011 total views

 5,011 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 6,033 total views

 6,033 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 6,173 total views

 6,173 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 6,180 total views

 6,180 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 6,484 total views

 6,484 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 8,861 total views

 8,861 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 9,377 total views

 9,377 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 10,092 total views

 10,092 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 12,930 total views

 12,930 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top