Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

pondo ng pinoy garden

Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa suporta ng Pondo ng Pinoy sa kanilang “organic garden”

SHARE THE TRUTH

 1,184 total views

Ipinagpapasalamat ng Immaculate Conception Parish sa Diocese of Antipolo ang suporta na ibinibigay ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. para sa kanilang proyekto na Our Lady of Organic Garden sa Cainta Rizal.

Ayon kay Rev. Fr. Noeh Elnar, Parish Priest ng nasabing parokya, labis ang kanilang pasasalamat sa Pondo ng Pinoy matapos suportahan ang kanilang proyekto na naglalayon magbigay ng kabuhayan sa mga mahihirap na residente sa Vista Verde, Cainta Rizal.

Sinabi ni Fr. Elnar na ang organic garden ay kasalukuyang nakakatulong sa may mahigit 20 pamilya sa pamamagitan ng mga inaani at nabebentang organic vegetables.

Naniniwala ang pari na mahalaga ang mga livelihood program upang hindi lamang umaasa sa ayuda ang mga mahihirap at sa halip ay nabibigyan sila ng pagkakataon na mas mapalago ang kanilang mga pinagkakakitaan.

“Kasi ‘di ba nasa Covid-19 pandemic tayo ang dami walang trabaho tapos nakita namin last year nagpupunta kam isa mga nasa laylayan na sakop ng Parokya nagbigay kami ng ayuda, nakita namin na may pwede pang gawin hindi lang ayuda ng ayuda ang pwedeng nating ibigay.”

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Naisipan namin na turuan sila kung paano ma sustain ang pagtulong ng Simbahan. Una maliit lang na area tapos naisip namin na maganda ito palakihin.” pahayag ni Fr. Elnar sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ipinagpapasalamat ni Fr. Elnar na sa pamamagitan ng 25 sentimos na nalilikom ng Pondo ng Pinoy ay napagkalooban sila ng humigit kumulang P300 libong piso para sa nasabing proyekto.

“Kahit maliit lang kapag naipon sa isang bottle na nilalagyan ng tubig maiipon malaking bagay maraming matutulungan hindi lang kami kundi maging yun ibang nangangailangan. Ito ay nakakatuwa nakakapagbigay ng saya sa kalooban at syempre pasasalamat sa kapwa at higit sa lahat sa Diyos.” Pahayag pa ng Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish sa Vista Verde, Cainta Rizal.

“Kami po ay labis na nagpapasalamat sas pondo ng pinoy sa pagsang ayon po nila na kami ay bigyan ng pagkakataon na mabigyan ng malaking halaga para magamit sa our lady’s of organic garden.”

Hinimok ni Fr. Elnar ang iba pang mga paorkya na gawin din ang kahalintulad na proyekto upang mabigyan ngkabuhayan ang mga mahihirap na kanilang nasasakupan.

“Sabi nga ni Bishop Francis [De Leon] kapag ito ay naging matagumpay sabihin ko sa iba’t ibang Parokya lalo na dito sa Dicoese ng Antipolo na kung mayt mga idle lot sila ganito din ang gawin lalo na ito organic”

Magugunitang ang Pondo ng Pinoy ay tumutulong sa iba’t-ibang mga parokya at Diyosesis sa pamamagitan ng kanilang nalilikom na bente singko sentimos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 4,449 total views

 4,449 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 19,160 total views

 19,160 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 32,018 total views

 32,018 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 106,315 total views

 106,315 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 161,969 total views

 161,969 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 35,742 total views

 35,742 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 49,034 total views

 49,034 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
1234567