Diocese of Balanga at pamahalaang panlalawigan ng Bataan, hindi papayagan ang pagbubukas ng BNPP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 850 total reads

Nanindigan si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi na muling mabubuhay ang Bataan Nuclear Power Plant na natapos buuin noong taong 1984.

Ayon kay Bishop Santos, matagal nang napagkasunduan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Diyosesis ng Balanga na huwag nang pahintulutang makapagsagawa ng operasyon ang nasabing planta na matatagpuan sa bayan ng Morong.

Sapagkat ayon sa Obispo, hindi na ito dapat muling pag-usapan pa dahil hindi na rin ito makakatulong para sa ekonomiya ng bansa partikular na sa suplay ng kuryente, gayong kaakibat nito ang panganib sa kalikasan maging sa kalusugan ng mga tao.

“Here in Bataan with the Church and Provincial LGU, we have already decided and publicly declared that it will never be rehabilitated. It is dead. It is not an issue here and never will be beneficial to our country,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi rin ni Bishop Santos na ngayong eleksyon, muli na namang binubuhay ang usapin hinggil sa Nuclear Power Plant na tila ginagamit na lamang ito bilang political propaganda para sa pansariling kapakanan.

“Whenever there are national issues, now with election, this Bataan Nuclear Power Plant like Frankenstein is being resurrected…political propaganda whom those propagating are only after vested self-interest,” saad ni Bishop Santos.

Taong 1984, panahon ng diktaturyang administrayon ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos nang matapos ang pagbuo sa P2.3-bilyong Bataan Nuclear Power Plant.

Bagamat sinasabing makatutulong ito upang mapababa ang suplay ng kuryente sa bansa, patuloy pa rin itong tinututulan ng iba’t ibang grupo at mambabatas dahil isinasaalang-alang naman ang magiging masamang epekto nito sa kalikasan.

Ito’y dahil nilalaman ng nasabing planta ang iba’t ibang kemikal na maaaring magdulot ng radiation na lubha namang mapanganib sa kapaligiran lalo’t higit sa kalusugan ng mga tao kapag nalantad dito.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,196 total reads

 3,196 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,103 total reads

 5,103 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,713 total reads

 13,713 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,091 total reads

 51,091 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,362 total reads

 82,362 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,026 total reads

 159,026 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,610 total reads

 252,610 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,397 total reads

 73,397 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top