Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

SHARE THE TRUTH

 11,568 total views

Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.

Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot ng Super Typhoon Pepito.

Sa ulat ng Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), pitong katao ang kumpirmadong nasawi habang tatlo naman ang sugatan matapos matabunan ng gumuhong lupa ang isang tahanan sa Labang, Ambaguio, Nueva Vizcaya; habang nasa 4,300 katao o 1,200 pamilya naman ang nagsilikas.

“Medyo marami ang namatay ngayon dahil sa landslide at mas maraming nasirang mga bahay, bubong ng paaralan, at mga kapilya. Patuloy ang aming assessment para makatulong sa nangangailangan,” ayon kay Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang pa sa mga iniwang pinsala ng Bagyong Pepito ang mga nagibang dike, natumbang poste, namatay na mga alagang hayop, at mga nasirang bahay.

Hiling naman ni Bishop Mangalinao sa mga may mabubuting puso ang anumang maitutulong upang maibsan ang pasanin ng mga biktima ng mapaminsalang sakuna.

“Welcome at taos-puso po naming tatanggpin ang inyong mga panalangin at tulong-pinansyal sa aming Diyosesis,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Sa mga nais magbahagi ng cash donations, maaari itong ipadala sa BDO Account name na Roman Catholic Bishop of the Diocese of Bayombong, Inc. sa Peso Savings Account No. 004968013025, at sa Dollar Savings Account No. 104960449899.

Habang sa in-kind donations naman tulad ng pagkain, damit, at hygiene kits, maaari itong ipadala sa tanggapan ng Caritas Bayombong sa DWRV-AM Bayombong Compound, Maharlika Highway, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 13,308 total views

 13,308 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 27,368 total views

 27,368 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 45,939 total views

 45,939 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 70,899 total views

 70,899 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 15,841 total views

 15,841 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567