2,080 total views
Itinalaga ng Diocese of Ilagan si Fr. Edmundo Castañeda Jr. bilang diocesan administrator habang nananatiling sede vacante ang diyosesis.
Naihalal si Fr. Castañeda sa pulong ng board of consultors na ginanap nitong January 19. Siya ang kasalukuyang vicar general ng diyosesis.
Nagtapos ang pari ng philosophy sa San Pablo Major Seminary sa Baguio City at ng theology at master’s degree sa Loyola School of Theology sa Quezon City.
Nagkamit din ng master’s at doctorate degree sa Catholic University of Louvain sa Belgium. Inordinahan si Fr. Castañeda bilang pari noong April 17, 1993.
Sa kasalukuyan, siya ang administrator ng National Shrine of Our Lady of the Visitation ng Guibang sa Gamu, Isabela, at pangulo ng St. Ferdinand College.
Naging sede vacante ang Diocese of Ilagan noong January 14, kasunod ng pagluklok kay Archbishop William Antonio bilang arsobispo ng Archdiocese of Nueva Segovia sa Ilocos Sur.
Bukod sa Ilagan, sede vacante rin ang mga diyosesis ng Kalibo, Masbate, at Tagbilaran, gayundin ang mga Apostolic Vicariate ng Jolo at Tabuk.




