Pakikipagdayalogo at pakikimuhay sa sambayanan, isasabuhay ng bagong Obispo ng San Jose

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,209 total views

Tiniyak ni San Jose Nueva Ecija Bishop Samuel Agcaracar, SVD ang pagsusulong ng mas malalim na pakikipagdayalogo at pakikipamuhay sa sambayanan bilang pangunahing gawain ng kanyang pagpapastol sa diyosesis.

Ito ang binigyang-diin ng bagong obispo matapos maordinahan nitong January 17 sa Holy Spirit Chapel ng Divine Word Seminary sa Tagaytay City. Ayon kay Bishop Agcaracar, mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa lahat ng sektor ng

lipunan, kabilang ang pamahalaan at iba pang institusyon, upang maisulong ang tunay at pangmatagalang pagbabago sa pamayanan. “Although we are a Catholic country, we as a Church should continue to dialogue and create opportunities to network with the government and other agencies with whom we can share our vision and transform our society,” ayon kay Bishop Agcaracar.

Binanggit ng obispo na ang diwa ng synodality, ang pakikinig, pakikilakbay, at sama-samang pagdedesisyon, ang magsisilbing gabay sa kanyang pamumunong pastoral. Binigyang-diin din ng pastol ang kahalagahan ng pakikipamuhay sa
nasasakupang kawan upang ganap na maisakatuparan ang pagiging Simbahang naglalakbay nang magkakasama.

Kabilang sa mga prayoridad ni Bishop Agcaracar ang pagpapaigting sa Basic Ecclesial Communities (BECs) ng diyosesis na kanyang itinuring na mahalagang plataporma ng ebanghelisasyon, lalo na sa mga munting pamayanan. “I have heard that our diocese in San Jose has a strong Basic Ecclesial Communities. And I think that is already a very good platform for us to enhance and incorporate into the biblical ministry… because I believe that if these ecclesial communities are not rooted in the divine word, something is missing,” dagdag pa ng obispo.

Binigyang-halaga rin ng bagong pastol ng San Jose Nueva Ecija ang pangangalaga sa kalikasan bilang mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan, alinsunod sa diwa ng Laudato Si.

Kaugnay nito, ibinahagi niya ang adbokasiyang “We Are All Farmers,” isang paanyaya sa sama-samang pananagutan sa pag-aaruga sa kalikasan at sa mga magsasaka, lalo’t kinikilala ang lalawigan bilang rice granary ng bansa.

“The spirit of Laudato Si, for me, is a spirituality, a call for conversion… ‘We are all farmers’ is not just a socio-political statement, but an invitation to take care of our common home,” ayon kay Bishop Agcaracar.

Hinimok din ng obispo ang mga pari at layko ng diyosesis na magkaisa sa pagtataguyod ng misyon ng Simbahan upang maisulong ang tunay na pag-unlad at paglago ng pananampalataya sa pamayanan.

“There are many good people waiting to be tapped, willing to contribute to the Church’s mission,” dagdag ng obispo.

Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican, ang episcopal ordination ng bagong obispo katuwang sina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at San Jose
Occidental Mindoro Bishop Pablito Tagura, SVD. Itinakda naman ng Diocese of San Jose ang pagluklok kay Bishop Agcaracar sa February 6, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 27,586 total views

 27,586 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 51,902 total views

 51,902 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 87,692 total views

 87,692 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 129,037 total views

 129,037 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 180,495 total views

 180,495 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top