Dumaraming landfill sa bansa, tinawag ni Cardinal David na climate injustice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,151 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang patuloy na pag-iral ng maruruming landfill sa bansa ay malinaw na anyo ng climate injustice at seryosong banta sa kalusugan ng publiko.

Ayon sa kardinal, malinaw ang itinatakda ng Republic Act 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act, na tanging residual waste lamang ang dapat mapunta sa mga landfill matapos ang wastong segregasyon o paghihiwalay, composting, at recycling.

Ngunit sa aktuwal na kalagayan, iginiit ni Cardinal David na nagiging tambakan ang mga ito ng halo-halong basura, kabilang ang toxic at medical waste.

“Let’s call a spade a spade. Most so-called sanitary landfills in the Philippines are dumpsites in disguise, ayon kay Cardinal David.

Ipinaliwanag niya na ang ganitong sistema ay nagbubunga ng pagbuga ng methane na nagpapalala ng climate crisis, pagtagas ng lason sa lupa at katubigan, at paglalantad ng mga pamayanan, lalo na ang mahihirap, sa matitinding panganib sa kalusugan.

Tinukoy rin ni Cardinal David ang kakulangan sa edukasyon at kamalayan bilang pinakamalaking puwang sa implementasyon ng batas.

Aniya, bilyon-bilyong piso ang ginagastos ng mga lokal na pamahalaan sa paghakot at pagtatapon ng basura, ngunit halos walang inilalaan para sa pagtuturo kung paano mababawasan ang paglikha nito.

“[Local government units] spend billions hauling and dumping garbage—but invest almost nothing in teaching people how not to produce it,” giit ng kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na ang mga trahedyang kaugnay ng landfill, tulad ng nangyari sa Cebu, ay hindi simpleng sakuna kundi malinaw na resulta ng kapabayaan at mahinang pagpapatupad ng batas.

Nanawagan ang kardinal sa mamamayan na magsimula sa wastong segregasyon ng basura sa tahanan at papanagutin ang mga lokal na pamahalaan.

Hinikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan na ilipat ang pondo mula sa pagtatapon tungo sa edukasyon, at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na itigil ang pag-apruba sa mga proyektong lumalabag sa batas pangkalikasan.

“This is not just about garbage. It is about health, climate justice, and the future of our children,” saad ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 144,018 total reads

 144,018 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 205,707 total reads

 205,707 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 251,416 total reads

 251,416 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 352,684 total reads

 352,684 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 414,919 total reads

 414,919 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 207,828 total reads

 207,828 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top