Manindigan sa kapakanan ng mga bata, hamon ni Archbishop Inzon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,455 total views

Hinikayat ni Cotabato Archbishop Charlie Inzon ang mga mananampalataya na manindigan para sa kapakanan ng mga bata sa pagdiriwang ng Holy Childhood Sunday sa darating na January 18, 2026, sa Kapistahan ng Sto. Niño.

Sa isang circular, binigyang-diin ng arsobispo ang halimbawa ni Pope Leo XIV, na nagpapakita ng magandang halimbawa bilang mga Kristiyano, lalo na sa mga may tungkulin sa pangangalaga ng kabataan.

“In these simple yet profound gestures, he models the attitude that should characterize every Christian, especially those entrusted with the care of others, to draw close to children, to meet them at their level, and to see the world through their eyes,” ayon sa pahayag ni Archbishop Inzon.

Ipinaliwanag ng arsobispo na sa unang taon ng panunungkulan ng Santo Papa, kapansin-pansin ang pagbibigay-halaga sa mga bata bilang regalo ng Diyos sa Simbahan at sa mundo.

Kaugnay nito, nanawagan si Archbishop Inzon sa mga pari, relihiyoso, at layko ng arkidiyosesis na suportahan ang mga inisyatibong makatutulong sa mga bata sa pamamagitan ng pagsasagawa ng second collection sa lahat ng mga misa sa January 18 para sa natatanging intensyon.

“May I encourage all priests, religious and lay faithful to offer prayers, sacrifices and material support… for children around the world who suffer violence, exploitation, war, famine, and poverty,” ayon sa arsobispo.

Sinabi ng arsobispo na ayon sa Ordo ng Simbahan, ang lahat ng koleksyon sa Holy Childhood Sunday ay nakalaan para sa solidarity fund ng Pontifical Society of Holy Childhood.

Paalala ng arsobispo na kinakailangang isumite sa Archdiocesan Finance Office ng Cotabato ang mga makolektang tulong sa loob ng labinlimang araw upang maipadala sa Roma at maibabahagi sa mga lugar na higit nangangailangan ng tulong ang mga bata tulad ng mga lugar umiiral ang mga kaguluhan, karahasan, at mga lugar na nakararanas ng labis na kagutuman.

Ang Holy Childhood Sunday, na kilala rin bilang Sancta Infantia, ay taunang ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika upang ipaalala ang tungkulin ng bawat mananampalataya na pangalagaan at ipagtanggol ang dignidad at kinabukasan ng mga bata, lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Ayon sa datos ng UNICEF halos 400 milyong mga bata sa mundo na namumuhay sa kahirapan na kulang sa halos dalawang pangunahing pangangailanhan tulad ng nutrisyon at sanitasyon habang halos 900 milyon naman ang nakararanas ng multidimensional poverty o kakulangang matugunan ang pagkain, kalusugan, tahanan, at maging ng edukasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 26,556 total views

 26,556 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 50,872 total views

 50,872 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 86,662 total views

 86,662 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 128,039 total views

 128,039 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 179,569 total views

 179,569 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top