Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Pasig, pinasalamatan ng ACN

SHARE THE TRUTH

 11,959 total views

Pinasalamatan ng sanggay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang Diyosesis ng Pasig sa pagsisilbi nitong host sa One Million Children Praying the Rosary campaign na muling isinagawa ng face-to-face makalipas ang tatlong taon.

Ayon kay ACN-Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, mahalaga ang pakikipagtulungan ng diyosesis upang higit na maipalaganap ang kaalaman sa kalagayan ng mga Kristiyanong inuusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga ang sama-samang pananalangin ng bawat isa para sa kapakanan ng lahat ng mga Kristiyano at Simbahang inuusig sa buong daigdig.

“Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan para sa Aid to the Church in Need sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga naghihirap na mga kapatid nating Kristiyano na naniniwala kay Kristo. Manalangin po tayo, magtulungan po tayo, ipalaganap natin ang ACN sa ating mga kapatid. Diocese of Pasig, I am very proud of you, I am very grateful for all that you do, biyaya kayo ng Diyos hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Simbahan.” Ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas.

Isinagawa ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Immaculate Conception Cathedral ng Diocese of Pasig noong ika-18 ng Oktubre, 2023 ganap na alas-nuebe ng umaga kung saan pinangunahan ang gawain ng mga mag-aaral mula sa Pasig Catholic College at mga seminarista ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary.

Kabataan, sama-samang nagdasal ng santo rosary para sa kapayapaan

Sa tala ng Aid to the Church in Need, umabot ng 871,523 ang bilang ng mga kabataang nakabahagi sa pagsasagawa ng One Million Children Praying the Rosary Campaign noong nakalipas na taong 2022.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,787 total views

 25,787 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,887 total views

 33,887 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,854 total views

 51,854 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,915 total views

 80,915 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,492 total views

 101,492 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,146 total views

 1,146 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,965 total views

 1,965 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,394 total views

 7,394 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top