Diocese of Romblon, nagalak sa pagpapahinto ng mining operations ng APMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,843 total reads

Nagagalak ang Diocese of Romblon sa kinalabasan ng mapayapang pag-uusap sa pagitan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) at anti-mining groups hinggil sa pagmimina sa Sibuyan Island.

Kasunod ito ng kusang-loob na paghinto ng APMC sa kanilang mining operations sa Sibuyan bilang pagtalima sa panawagan ng mga apektadong residente.

Ayon kay Romblon Social Action Director Fr. Ric Magro, nangangahulugan ito na naging malinaw at iginagalang ng mining company ang mga napagkasunduan sa naganap na pagpupulong hinggil sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan.

“Thru the peace process at peace panel na nangyari sa Sibuyan Island, nagkasundo po ang lahat, together with Altai Philippines and anti-mining groups na i-respeto ang anumang naging desisyon, at they are very responsive naman sa nangyari,” bahagi ng pahayag ni Fr. Magro sa panayam ng Radio Veritas.

Nangako naman ang Diocese ng Romblon na patuloy na makikipagtulungan para sa pagsasaayos ng proseso laban sa pagmimina, gayundin sa pagpapanatili ng kaayusan sa sa Sibuyan Island.

Paalala ni Fr. Magro sa mga grupong laban sa pagmimina na patuloy lamang na maging mapagmatyag sakaling muling magsagawa ng operasyon ang APMC sa kabila ng suspension order.

“Ang Altai Philippines, since meron tayong Notice of Violation ay titigil sa kanilang operasyon para walang giriian na mangyayari. They must have to follow kung ano ‘yung pinadala sa kanila na suspension order,” ayon kay Fr. Magro.

Dagdag pa ng pari na katulad nang naunang pahayag, mananatili ang paninindigan ng Diyosesis na pangalagaan ang nag-iisang tahanan at akayin ang mga mananampalataya na maging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Pebrero 6 nang maglabas ng pahayag ang APMC at inanunsyo ang ‘voluntary halt’ ng kanilang exploration activity sa Sibuyan Island.

Kasunod rin ito ng cease and desist order ng Department of Environment and Natural Resources dahil sa mga paglabag ng mining company sa proseso at batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 5,453 total reads

 5,453 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 41,826 total reads

 41,826 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 98,232 total reads

 98,232 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 221,642 total reads

 221,642 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,151 total reads

 176,151 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top