Diocese of Tagbilaran, nakiisa sa iba’t-ibang Christian denomination

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,738 total reads

Nakiisa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa pagtitipon ng iba’t ibang christian denomination sa Bohol sa pagsimula ng Week of Prayer for Christian Unity.

Layunin nitong pagbuklurin ang pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya tungo sa iisang hangaring maging lingkod ng Panginoon.

Sa pinagsamang pahayag ng grupo binigyang diin nitong hindi magiging hadlang ang pagkakaiba at tradisyon upang isulong ang paggalang at pagmamahal sa kapwa na magdudulot ng kapayapaang nakabatay sa katotohanan at katarungan.

“Through the spirit of cooperation, humility and Christian service, we pray and serve to the people of any color, creed and status as what Jesus did in His ministry. Together, we stand united and pray for the total development of both human and communities of Bohol province and the whole country that no one is left behind and in conserving and protecting the integrity of God’s creation.” ayon sa pahayag ng grupo.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Do Good, Seek Justice’ kung saan iba’t ibang gawain ang nakahanda mula January 18 hanggang 25.

Sinabi ni Bishop Uy na mahalaga ang pagkakaisa sa lipunan upang mapagtagumpayan ang anumang hamong kakaharapin para sa kapakinabangan ng nasasakupang kawan.

Bukod sa Diocese of Tagbilaran na pinangunahan ni Bishop Uy dumalo rin sa pagtitipon ang mga lider ng United Church of Christ Philippines – Bohol Chapter; Iglesia Filipina Indipendiente – Diocese of Bohol; UMC; PCEC- Bohol Coordinator; CEMABI; Jesus Is Lord Movement – Bohol; at ang NCCP -Bohol Regional Ecumenical Council.

Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.

1948 kasabay ng pagtatag ng World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 43,626 total reads

 43,626 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 81,199 total reads

 81,199 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 116,496 total reads

 116,496 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 342,766 total reads

 342,766 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 233,608 total reads

 233,608 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top